Chapter 45 - The Plan

2.7M 57.3K 76.8K
                                    

Chapter 45 ( MHIAMB : The Plan )

 

Aemie’s PoV

 

“Huwaaa ang cute mo dito dong” pinakita ko kay Zeke yung mga iniiscan kong picture. Nakaupo kaming dalawa dito sa loob ng training room. Pinicture-han ko kasi sya kanina habang hindi pa nagsisimula ang training.

Nilingon ko si Zeke na nakatungo sa balikat ko. “Uy dong, tignan mo” Bahagya naman nyang itinaas ang ulo nya at saka sinulyapan ang cellphone na hawak ko. “Tss delete that” utos ni Zeke at saka tumungo ulit.

“Bakit naman? Ang cute nga eh. Hehehe”

 

“Cute? Tss. Do I look like a pup?” inagaw ni Zeke ang cellphone ko saka—“Waaaaaa!! Bakit mo dinelete?!” Huhuhu. Hindi ba nya alam na ang hirap nyang picture-han? Tapos---“Smile, wife” nanlaki ang mata ko nung biglang may nag-flash sa mukha ko.

“Pfft. You look stupid” Tinignan ko si Zeke na natatawa habang nakatingin sa cellphone nya.

*pout* Akala naman nya ang gwapo nya dun sa picture nya kanina? Mukha din kayang tanga. “Kidding, you look uhmm---“

 

“You look?” tanong ko habang inaabangan ang mga kasunod na sasabihin ni Zeke.

“Damn. You look like the mother of my future kids.”

 

Eh?

May ilang segundo pa akong nakatingin kay Zeke. Nung mabaling ang atensyon ko sa mga nagsalita.

“Yowwwwn naman!”

“Gawin na yan!”

 

“Wooo! Excited na kami dyan!”

 

“Ninong kami!”

 

Tinignan ko sila Kaizer, Jacob, Sebastian at Vash na tuwan-tuwa na nagtatawanan at nag-aasaran pa, bago ko ibalik ang tingin kay Zeke. Pagtingin ko, tumatawa din si Zeke. “Anong nakakatawa dong?” medyo nakakainis to si Zeke ha.

Bumalik sa pagiging tahimik ang buong training room. Pati si Zeke ay sumeryoso ng tingin sa’ken. “Nakakatawa ka pa Zeke? Kino-compare mo ako sa ina ng anak mo. Hindi mo man lang sinabi saken na may anak ka na pala” tinignan ko ulit yung apat “Pati kayo, itinago nyo sa’ken na—“

 

Natigil ako sa pagsasalita nung nakita kong mabilis na naglabas ng baril si Zeke at saka ikinasa. “LAMPEROUGE! SHE DIDN’T GET YOUR FVCKING PICK-UP LINE“bulyaw ni Zeke at saka mabilis na tumakbo.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon