Chapter 41 - Nightmare ( Part 2 )

3.3M 63.7K 99.7K
                                    

Chapter 41 ( MHIAMB : Nightmare (Part 2) )

 

 

Kaizer's PoV

 

Tulad ng iba ay tahimik akong nag-aabang ng sasabihin ni Mrs. Romero.

"Wala naman, gusto lang kitang bisitahin baby Ae." saglit itong nag-pause sa pagsasalita at tumingin kay Mr. Roswell. "Why? May iba pa ba akong dapat gawin dito?" sa tono ng boses nya at sa mga tingin nya alam kong may iba pa syang ibig sabihin.

"Hehe. Akala ko po manghihiram ka sa akin ng mga barbie dvds eh. Madami akong bago mommy."

 

Inaantay kong magsalita si Mr. Roswell at sagutin ang mga sinasabi ng mommy ni Aemie pero nanatili lang itong walang kibo habang patuloy na kumakain.

Takte! Eto na naman ako sa pagiging tsismoso ko. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari. Amp naman!

"Hahaha. No. Ikaw talaga baby Ae."

Nagpatuloy sila sa pagkain kaya ganun din ang ginawa ko.

"mommy! *munch* tabi tayo matulog ha *munch*" punung-puno pa ng pagkain ang bibig ni Aemie habang sinasabi nya yon. Pft. Gusto kong matawa, pero mukhang ako lang naman ang matatawa dito. Kaya wag na lang.

"Sure baby--"

 

naputol ang sasabihin ng mommy ni Aemie dahil sa sinabi ni Mr. Roswell. "No, you'll sleep beside me, wife" walang-emosyong sabi ni boss, at saka uminom ng red wine.

Padabog na inilapag ng mommy ni Aemie ang kutsilyo at tinidor na gamit nito sa panghiwa ng karne. "I am her mother, and I came here to spend a night and bond with my daughter."

 

"Please accept my apology for disrespecting you Madam, but Aemie's my wife and this is my house. So I guess I have all the authority to send you out if you'll not going to follow my house rules."

Vash’s PoV

 

Takte! Ako na naman nakita ni Boss. Sh*t. Napatayo ako bigla nang tawagin na naman nya ang pangalan ko. Kanina ko pa rin napapansin na nagkakainitan si Boss at ang mommy ni Maam Aemie. Kanina ko pa rin iniisp kung bakit. Pero isa lang ang pumapasok sa isip ko. And I hate that fvcking idea.

Nagmadali akong umapit kay Ma’am Alyana pero napahinto agad ako nang makitang masama ang tingin niya sa akin. Sh*t kasi! Bakit ba ako nalang lagi ang napag-iinitang utusan ni Boss pag dating sa mag-inang to?

“My daughter’s going to sleep with me and you can’t do anything about it. I don’t care if this is your house. I’ll do whatever I want!” Inis na inis na baling ni Ma’am Alyana kay Boss.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon