Chapter 55 - Yaji and Swansea

2.4M 58.3K 39.6K
                                    

Chapter 55 ( MHIAMB : Yaji and Swansea )

 

 

Amesyl’s PoV

 

Pinagmamasdan ko si insan na nakaupo sa garden nitong mansion ng daddy nya. “Insan!”

Nakalapit na ako pero hindi pa din nya ako pinapansin. "Insan ano bang nangyayari sa'yo? Alam ko masakit para sa'yo yung nangyari kay tita. Pero hanggang kailan ka ba magiging ganyan?" nalulungkot kasi ako na nakikitang nahihirapan si insan. Kahit naman shunga yan, mahal na mahal ko yan.

Huminga lang sya ng malalim pero hindi naman sya sumagot. Subukan ko kayang buhusan ng malamig na tubig si insan para matauhan. O kaya mainit na tubig? Tsk.

Gusto kong i-open kay insan ang topic tungkol kay tita Violet, kaso baka lalo lang syang masaktan.

Ako nga naiinis nung nalaman kong may relasyon pala si tita Violet sa daddy ni insan e. Si insan pa kaya?

Nag-aalala lang naman ako kay insan. Lalo pa sa mga nalaman ko tungkol sa Mafia. Mahilig ako sa action movies. Pero hindi ko pinangarap na maging mafia. Ayoko ng magulong buhay aba!

"Alis muna ko insan." Tignan mo tong Aemie Ferrer-Roswell na to. Pagkatapos kong puntahan dito lalayasan ako. Tss!

Naglakad-lakad lang ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero bahala na. Wala din namang magawa---"Aray naman! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo ha?!"

 

"I--I--uhh I--"

"Anong I--I? A-I-I-yin ko yang mukh--" Ano ba! Ano ba tong nararamdaman ko at bigla akong natigilan? "I'm sorry Miss." Ang pormal nya masyado. "Ako nga pala si JK Blood. I'm looking for Ms. Violet Swansea, nandyan ba sya?" At ang ganda nya manamit. Lalakeng-lalake sya kumilos, hindi katulad nung baklang betty boop na si Birkins.

"Miss?"

 

"A-Ano yon? May sinasabi ka ba?" At kailan pa ako nahawa kay insan na lumilipad ang utak? Aish! Nagkakapalit na yata kami ng ugali ni insan ah! Masama to.

"Nandyan ba si Ms. Violet Swansea?" Sus! Akala ko naman kung anong importanteng itatanong.

"Hindi ako tanungan ng mga nawawalang unggoy. Try mo pang maglakad-lakad banda don. May makakasalubong kang care taker ng Zoo." Asar na sagot ko sabay turo may may guard house.

"Pfft. Salamat. Ang cute mo." Tumalikod na sya at naglakad palayo.

Cute daw ako?

-

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon