Chapter 18: The Calm Before the Storm

1.7K 108 5
                                    

"Katherina! Hold on!"

Yael was shouting her name as he saw Katherina. She was having a violent seizure as the doctors and nurses were attending to her. Gustung-gusto siyang lapitan ng binata ngunit pinipigilan siya ng ilang lalaking nurse.

"Kami na po ang bahala sa kanya, Sir. The doctors are doing their best to put her in a stable condition."

"Ako na lang! Ako na lang ang pahirapan nyo! Huwag na si Katherina!" Tears were starting to form on the eyes of the chosen Ahren. Sa buong buhay niya, ngayon lang nangyari na hindi niya alam ang gagawin sa isang sitwasyon.

Kanina lamang ay maayos niyang nakakausap ang dalaga, kaya't nagtataka siya kung bakit muli itong inapoy ng lagnat at ngayo'y kinukumbulsyon.

Please, make her feel better. Dasal niya.

Hindi lingid kay Maya ang pinagdadaanan ng kaibigan. Napakasakit para sa dalaga na ang lalaking lihim na minamahal niya sa loob ng ilang taon ay nakikita niyang may minamahal na iba.

Maya decided to walk away and return to where her companions are.

"Regan, pakisamahan si Yael. Nasa Room 512 siya, kay Katherina. Kailangan niya ng kaibigan ngayon. Ako nang bahala kina Tita at Tito." Mahinang sabi niya sa isa pang kaibigan.

Nakuha agad ni Regan si Maya. Alam niyang nasaktan ito sa kung ano man ang nasaksihan kanina lang. Agad itong tumalima at pinuntahan si Yael.

Nang makarating si Regan sa kuwarto ni Kath ay kalmado na ito. The doctors were almost done in attending to her. Pawisan si Katherina habang hawak ni Yael ang kamay nito, halatang kakagaling lamang sa pagiyak.

"Bro." Hinawakan ni Regan ang balikat ng kaibigan.

Lumingon si Yael kay Regan. "Walang mahanap na sakit ang mga doktor, but her body is really weak. Hindi matanggal ang pag-aalala ko, Pre. Kanina, akala ko ay inatake siya ng mga Kataha." Bumuntong-hininga ang sugong Ahren. "I was so afraid, Regan. I thought I would lose her."

I knew it, Regan thought. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil sa unang pagkakataon ay umibig na si Yael, o maaawa ba siya para sa kaibigan dahil nahanap na nito ang kahinaan niya.

"Napansin ko rin ang paghina at pagbaba ng timbang niya, Yael. While you were in Bontoc I reminded her several times to take care of herself." Regan sighed. "But she was so focused on her artwork. She really wanted to win."

"I shouldn't have asked her to join." May halong pagsisisi sa boses ni Yael. "But she was so happy about it."

"Don't blame yourself, Yael. It was no one's fault. Besides, stable naman na siya. Let us hope that she'll get better fast."

"I will not take my eyes off her, starting today." Yael decided.

"Yael." Regan said. "I am happy that you finally found the girl worthy of your love."

Napatingin si Yael sa kaibigan. So, alam mo na rin pala, Regan.

"But you have your duties and responsibilities as the chosen Ahren. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mababantayan mo si Katherina." Regan continued. "I hope you don't get me wrong."

"Don't worry, Regan. I completely get your point." Yael answered. "Pero kanina, when I saw her lying on the ground with blood all over her, inakala ko na inatake siya ng mga Kataha. Hindi ko alam pero that was the first time I greatly felt fear. Handa akong simulan ang giyera right then and there laban sa mga Kataha. Takot na takot ako, Pre. Not her, not her. I want her to live in a world without Katahas. I want to live with her na walang iniisip na mga demonyo. She is so precious to me now, Regan."

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon