Chapter 26: Close Encounter

1.9K 97 6
                                    

Bakit ganun yung panaginip ko?

It felt so real.

Katherina woke up from her nightmare. Nanginginig ang dalaga. She was covered in cold sweat at hindi nya mapigilan ang pagluha sa takot na nadama sa kanyang nakita.

Every detail from her dream felt like reality, mula sa silid na kanyang kinalagyan, sa malamig na bangkay ng doktor na kanyang nakita, sa amoy ng dugo na pumuno sa lugar, hanggang sa mga tao at halimaw na nakita niya.

Katherina does not know why, but she is certain that her mother, Clara, is the woman who was helping the other one who was giving birth.

So, sino yung babaeng nanganak?

"Ano ba naman to." Napasabunot ang dalaga sa sarili.

Then suddenly, she remembered the demon that came out of her body.

It was the scariest thing she ever saw. Tandang-tanda niya kung paano siya nanigas sa kanyang panaginip nang makita ang halimaw sa repleksyon niya sa salamin.

But what is more frightening for her is the fact that in her dream, her hand was willingly reaching out to the demon in front of her, as if her body has its own mind.

Mabuti na lamang at naalala niyang tawagin si Yael sa kanyang panaginip. His name alone made her feel calm.

Tiningnan ni Katherina ang kanyang cellphone para sa oras.

"3:30AM pa lang pala." Bumuntong-hininga ang dalaga.

Nakaramdam siya ng uhaw kaya't nagdesisyon siyang bumaba sa kusina at uminom ng tubig.

Unti-unting kumalma ang dalaga nang mapawi ang kanyang uhaw.

"Panaginip lang iyon. Wala iyong ibig sabihin." Pagkumbinsi niya sa sarili.

Umakyat na siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Napansin niyang bahagyang nakabukas ang silid ng kanyang inang si Clara, at bukas din ang ilaw dito.

Nandito na pala si Mommy.

She decided to greet her mother ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa pintuan nito ay narinig niyang may kausap ito sa telepono.

"I've been to many places already, Vic. Wala pa rin akong mahanap na sagot." Halata sa boses ni Clara ang pagod. "We're running out of time. At sa lahat ba naman ng pwede niyang mahalin, ang sugong Ahren pa."

Clara's voice was filled with worry and frustration.

Ano ang sugong Ahren? Anong sagot ang kailangan ni Mommy? Gulong-gulo si Katherina sa mga narinig.

"Ma?" Pumasok si Katherina sa kwarto ng ina.

Clara was shocked at the unannounced entry of Katherina into her room. Naibagsak nito ang hawak na telepono.

"Bakit gising ka pa?" Iritang tanong nito sa anak.

"I f-felt thirsty, Mom." Sagot ng dalaga. "Pag-akyat ko nagulat ako na nakauwi ka na pala. Sino po yung kausap mo?"

"It w-was just a b-business partner." Hindi alam ni Clara kung hanggang saan ang narinig ng anak, but she made a mental note to herself to be more careful next time. "Marami lang problema sa restaurant."

"Ano po yung sugong Ahren, ma? You seem so stressed about it." Tanong ni Katherina.

Napasinghap si Clara. "It' a....competitor. A business competitor."

Hindi nakumbinsi si Katherina sa narinig ngunit pinalampas na lamang nito ang ina. "Okay, Mom. I hope you don't stress too much about it."

"Don't speak of it to anyone." Utos ng kanyang ina.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon