Chapter 45: Home

1.8K 107 39
                                    

"Ipangako mo sa aking hindi mo gagalawin sina Mommy. Let them live in peace, nakikiusap ako. Ako naman ang kailangan ninyo 'di ba?" Matapang na sinabi ni Katherina sa kausap sa kanyang cellphone. Sinigurado ng dalaga na walang makakarinig sa kanya.

She heard the other person snicker. "Katherina, I may be a demon but I keep my promises. Aayaw pa ba ako, e ikaw na ang lumalapit?"

"Promise me." Sagot ng dalaga. "Or else.."

"Or else what? You'll kill me?" The voice on the other line scoffed. "I promise I won't harm them. Hahayaan ko na sina Tita Clara. Besides, she's good as dead. Sa hina ng katawan at kapangyarihan niya, hindi na siya makakalaban sa kahit kanino."

Katherina gritted her teeth and her hands formed into fists. Puno ng galit ang kanyang puso para sa taong kanyang kausap. "Don't you dare come near them."

"As you wish." The other person smiled. "See you later, my dear sister."

Nanginginig na pinatay ni Katherina ang tawag at naghintay ng tamang oras.

-----

Dahan-dahan.

Maingat ang bawat hakbang na ginawa ni Katherina nang gabing iyon habang naglalakad sa pasilyo ng ikalawang palapag ng bahay ni Vicente. Sinigurado ng dalaga na tulog na ang lahat. Pinilit niyang huwag gumawa ng anumang ingay na maaaring bumulabog sa katahimikan ng lugar.

Napakadilim sa kanyang nilalakaran at tanging ang liwanag ng buwan lamang na sumisilip sa bintana ang nagsisilbing gabay sa kanya upang makalabas.

Ramdam ng dalaga ang panlalamig ng kanyang mga kamay dahil sa kaba at ang tila pagtambol ng kanyang puso.

Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang makalabas ng gate ng bahay na iyon.

Lumingon si Katherina at tumingin sa direksyon ng silid ng kanyang ina.

Patawarin mo ako, Mommy. Kailangan kong gawin ito. Ayoko nang madagdagan pa ang paghihirap mo sa pagprotekta sa akin.

Nanginginig ang kanyang mga labi dahil sa nagbabadyang mga luha ngunit pinigilan niya ang sarili.

Tama na. Tama na ang pag-iyak, Katherina. Ika nito.

Pinunasan niya ang kanyang mga mata at nagsimula nang maglakad patungo sa terminal ng tricycle na magdadala sa kanya sa bus pabalik ng Maynila.

Hahanap ako ng paraan upang mabasag ang propesiya upang hindi magtagumpay ang kasamaan ng mga Kataha.

Armed with nothing but the remaining fragments of the jewelry that concealed her before, Katherina travelled back to Manila to face her horrendous reality.

Kahit alam niyang imposible ay umaasa pa rin ang dalaga na maiitago siya ng mga pira-pirasong alahas na dala-dala niya.

-----

"Welcome back."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon