Chapter 30: She Knows

1.9K 98 8
                                    

"Pwede rin ba akong sumama sa dinner nyo?"

Isang magandang ngiti ang ang ibinigay ni Maia kina Yael, Katherina, Sam, at Regan

"Pare! Long time no see!" Nilapitan ni Sam ang babaeng kaibigan. "Akala namin nakalimutan mo na kami e." Akmang yayakapin ni Sam si Maia, but the latter instinctively grabbed the former's arms and twisted it so he could not move.

"H-hoy! Napakabrutal mo pa rin!" Kahit na babae si Maia ay napakalakas nito, kaya nahirapang kumalas si Sam. Nagtawanan silang dalawa.

"We're glad your back, Maia." Ika ni Regan nang makalapit si Sam at Maia sa grupo. "Let's have a special dinner. Locavore, anyone?"

"Sure! I miss that place!" Masiglang sagot ni Maia.

Tahimik na ngumiti at tumango sina Yael at Katherina sa kaibigan. Lingid sa kanila, pasimpleng sumulyap si Maia sa magkahawak nilang mga kamay. Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"W-wow, Yael and Katherina. Kayo na pala?" Muling ngumiti ang dalaga.

"Yes, Maia. Almost 2 months na." Seryosong sagot ni Yael. Tumingin lamang si Katherina sa kanya.

Tumawa si Maia at hinampas ang balikat ni Yael. "Ano ba! No need to be awkward about it." Ngumiti ito kay Katherina at hinawakan ang braso nito. "Okay na ako. Don't feel uncomfortable, Kath."

Unti-unti na ring ngumiti si Katherina. "Thank you, Maia."

Sam and Regan awkwardly looked at their friends. "Uhm, guys, gutom na ako. Tara na please?" Ika ni Sam.

"Hay nako, lagi na lang yang tiyan mo ang iniintindi mo!" Nagsimula nang maglakad si Maia at sinabayan siya ni Sam. Sumunod na rin si Regan sa dalawa ngunit bago iyon ay nginitian niya sina Yael at Katherina, as if assuring them that everything will be alright. Tinapik nito ang balikat ng dalawa.

The couple started following their friends. Pinisil ni Yael ang kamay ng kasintahan. "Don't worry, love. Maia seems to be fine naman."

"P-pero...feeling ko kailangan mo siyang kausapin." Sagot ng dalaga.

"Kausapin about what happened during the night of my birthday?" Yael asked. "Baka mailang si Maia, love. It would be more awkward for us."

"Nagguilty kasi ako, Yael." Mahinang sagot ni Katherina.

"Are you regretting loving me back?" May halong lungkot ang boses ni Yael.

"No! That's not what I mean. Ano ka ba." Mabilis na sagot ni Katherina. Tumingin ito kay Yael to find him smiling. "Nagguilty lang ako kasi alam ko na tayo ang dahilan kung bakit nasasaktan si Maia. I believe getting over someone you love, especially kung matagal mo nang mahal yung tao, takes a long time. Babae rin ako Yael, and I think she is just hiding how she really feels."

"Maia is a strong girl, love." Sagot ng binata. "Maybe this is her way to cope up and move on. Hindi ko rin gusto na ako ang nakasakit sa kaibigan ko, at kung ako lang ang masusunod, sana hindi na lang niya sa akin binuhos ang pagtingin niya. Ayokong sisihin mo ang sarili mo." Ibinaling nito ang mga mata sa kasintahan. "But I will never regret choosing you and falling in love with you, Kath. Never. Tandaan mo yan."

Ngumiti na rin si Katherina sa wakas. "Ako rin, love. I'll never regret it." Saglit itong tumigil sa paglalakad. "But I hope you will talk to her about it kapag may chance. I know you've been friends with her since childhood, at ayoko namang masayang ang pagkakaibigan nyo."

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon