Chapter 2

597 49 18
                                    

"Anong sinasabi mo? Ayaw mo na?"


Sinubukan kong hindi maluha habang nakatingin sa kanya. Punong-puno ng tanong ang utak ko ngayon at mas nakakadagdag pa sa bigat ng nararamdaman ko ang mga mata nyang nakatingin sa'kin na parang wala na syang gana. His stare is cold as hell. I don't get him.


"Anong bang problema, Jace? May nagawa ba ako?"


"Wala nang patutunguhan 'tong relasyon na 'to, Glareanne. Ayoko na."


"W-what?"


Tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ko dahil don. Akmang tatalikuran na sana nya ako nang mabilis ko syang pinigilan. I have so many thoughts running in my mind. I need answers.


"B-bakit ayaw mo na? Anong nagawa ko? Baka pwede pa nating pag-usapan 'to, love. Please, wag namang ganito." pagmamakaawa ko.


But his stare didn't change a thing. He didn't even flinched. He was so cold to the point I can't feel anything from him. Mukhang desidido na talaga syang bitawan ako.


"I'm sorry, Glareanne. Wala na akong nararamdaman para sayo. Matagal ko nang gustong sabihin 'to at pinipilit ko nalang ang sarili ko pero wala na talaga."


"I-I thought we're okay? Gumala pa nga tayo before my birthday diba? We're happy that time. Anong naging problema?"


"That's the problem, Glareanne! Sa sobrang busy mo, nakakalimutan mo nang makiramdam. And no, we're not okay. Wala ka nang time para sa'kin. Everytime na gagala tayo, nagmamadali ka pa at sa iba nakafocus. Para akong nagmamakaawa lagi ng oras mo. You obviously can't make time for me. Ayoko na."


"Jace, I'm preparing for my scholarship exam. And you know, I'm starting my own business this month and I auditioned to be a cosmetic brand ambassador last week. Marami akong kailangang asikasuhin. I thought you're with me?"


"I am with you and I do support you because I never thought this would ruin us."


"S-so ganon nalang yon, Jace? You're leaving me because I'm busy reaching my dreams?" I cried.


"No. I'm leaving you because my feelings fade, Rea. And I'm sorry, I'm totally done with this relationship."


"ATE REAAAA!!"


Napaiktad ako nang may biglang sumigaw. Napaangat ang tingin ko dahil don at nakita ko sina Eya at Rosie na may dala-dalang bag. Sabay pa nilang binuksan yung gate namin at pumasok.


"Ok ka lang, ate? Tulala ka nanaman." sabi ni Rosie sabay baba ng dala nyang bag sa lamesa. Natawa nalang ako.


"Sorry, antok pa e."


It's seven in the morning and I'm having my breakfast in our terrace. Christmas had passed and it's already December 26. Medyo antok pa ako dahil sa Christmas party namin kagabi at madaling araw na ako nakatulog dahil sa paglilinis.

Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now