Chapter 12

220 16 11
                                    

"Sino yung lalaking kasama mo kanina?"


"Ha? Anong lalaki?"


"Yung kasabay mo sa canteen. Sino yon? Lalaki mo?"


"What?!"


Kaagad na napakunot ang noo ko dahil sa sunod na sinabi ni Jace. Tinaasan ko sya ng isang kilay kaya mas lalo syang nagalit. Napailing nalang tuloy ako sa ekspresyon nyang yon. Nakakainis. Anong ba kasing pinagsasabi nya dyan? Mukha ba akong manlalalaki?!


"Jace, marami akong kaibigang lalaki. Sino nanaman ba sa kanila ang pinag-iinitan mo dyan?"


"Yung nakahoodie na blue sa canteen. Diba nagtatawanan kayo kanina? Ang saya-saya mo nga e. Huling-huli ka na sa akto, Glareanne. Wag mo akong ginagago."


"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Si Calvin yon! Pati ba naman bakla, pagseselosan mo, Jace?!


"Bakla? Pft. Palusot mo lang yan para malaya kayong makapaglandian."


"What?!"


"Sinasabi ko na sayo, Glareanne ha? Wag ako!"


"Kaklase ko si Calvin at kapartner ko sya sa activity namin. You're being unreasonable again!"


"Ah so kasama pala sa activity nyo ang kumain sa canteen habang nagtatawanan?"


"We're talking about our project plan and correction, apat kaming kumakain don. Kailan pa naging bawal ang makipagtawanan sa mga kaibigan ha?! Ano nanaman bang gusto mong mangyari?"


"Gusto ko, maghanap ka ng bagong partner sa activity nyong yan. Yung babae."


"Anong—aray!"


Nagulat ako nang bigla nyang hilahin ang braso ko. He grip his hand on my arm and held it so tight while pulling me aggressively. Halos tumingkayad naman ako sa paghila nyang yon. Taena. Pakiramdam ko, bumabaon yung kuko nya sa braso ko.


"J-jace, ano ba?! Nasasaktan ako!"


"Layuan mo ang Calvin na yan kung ayaw mong ako mismo ang aabang sa kanya sa labas ng school."


"Ano ba talagang problema mo ha?! Bitawan mo nga ako! Sabi nang nasasaktan ako e! Ano ba?!"

Till Our Voices Meet Again, StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon