Chapter 11

199 18 15
                                    

"Valorant nanaman?"


"Not now, Rea. Nasa gitna ako ng laban."


"Jace naman! You made me wait in the restaurant for 2 fucking hours tapos madadatnan lang kita dito na naglalaro ng valorant?! Ginagago mo ba talaga ako?!"


"Gleareanne, sinabihan na kita. Wag ngayon."


"Lintek na laro yan! Hindi na ba matatapos yan ha?! Ano bang"


"Tangina!"


Napatalon ako sa gulat nang biglang hampasin ni Jace yung lamesa at inis na napatayo mula sa gaming chair nya. Galit nyang hinubad yung headphones at tiningnan ako ng masama. He seems really mad. Bigla tuloy akong natakot.


"Wala na! Natalo na! Sabi ko na kasi sayo mamaya mo na ako talakan e. Napakakulit mo!"


"W-wow! So ako pa ang may kasalanan ngayon?!"


"Kung marunong ka lang sanang maghintay edi sana hindi ako natalo sa laro ko!"


"Ano ba talagang problema mo, Jace?! Ikaw 'tong may atraso sakin ah! Wag mo akong baliktarin!" galit na sigaw ko rin.


"Ano nanamang ginawa ko?!"


"Really? Itatanong mo talaga sa'kin yan?!"


"Eh ano ba?!"


"Hinintay kita sa restaurant ng dalawang oras. Nagchachat ako, hindi mo siniseen. Niremind pa kita kagabi na after ng trabaho ko, kakain tayo sa labas diba? It's our 2nd Anniversary!" 


Hindi ko na nakayanang pigilan pa ang sarili ko at naiyak na ako. I was so hurt and so mad. Last time, birthday ko ang nakalimutan nya. Tapos ngayon, pati anniversary namin?!  Lintek na relasyon 'to.


"S-sorry. Nawala sa isip ko."


"So ganon nalang yon? Isang sorry lang, okay na?!"


"Tumigil ka na sa pagbubunganga mo, Glareanne. Hintayin mo ako dyan, magbibihis na ako. Wag ka nang maarte."


"Grabe, Jace. You're so unbelievable!"


"Tsk. Tumahimik ka nalang."


I've suffered to this kind of relationship for the passed 6 years. 6 fucking years to this toxic guy na kahit na anong sakit ng salita at kagago ang pinaparamdam sakin, hindi ko magawang iwan. I settled myself to this bare minimum treatment at kahit paulit-ulit kaming ganito, I still chooses to stay.


Dahil mahal na mahal ko si Jace.


I can take all the pain he can cause me at kahit wala nang pagmamahal ang matira sa'kin, basta magkasama kami, ayos lang. Ganon ako katanga e.

Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now