Chapter 13

212 19 29
                                    

"Rile."


"Hmm?"


"Naniniwala ka ba sa destiny?"


Mabilis na napatingin sa'kin si Rile dahil sa naging tanong ko. Nakakunot ang noo nya nang lingunin nya ako pero halata namang natatawa sya. Napakibit-balikat nalang tuloy ako.


I know that question was out of the blue moon one. Ni hindi ko nga dapat sasabihin yon orally e. It's like, it just slip from my mind. Bigla ko nalang nasabi nang may maalala din ako.


"Destiny? Oo, pero mas naniniwala ako sa fate."


"Magkapareho lang yon!"


"No, they're not." mabilis namang pag-angal ni Rile habang busy parin sa pagddrive. "Destiny is the result of your decisions where you have the power over your future. Fate is something that is beyond your control where the ending will stay the same whether you choose this option or not. It's like choosing who's gonna be your partner and choosing to accept death because of old age or weak body. Those two are two different things."


Wow. Naletcuran nanaman ako for today's chapter. Talagang inelaborate nya pa e 'no?


Oh well. Typical Rile Marcus Sizon, the man of explanation.


"Ang haba ng sinabi mo aber. Tinatanong lang naman kita kung naniniwala ka sa destiny!" pagrereklamo ko.


Natawa naman sya bigla, "I already did answer it before explaining things, miss ma'am."


"Oo nga. Pero ang dami mo paring sinabi."


"Knowledgeable naman. Duh."


Napailing nalang ako dahil sa huling sinabi nya. Hindi na ako nakarebat kasi tama naman. I mean, it's a good thing na may natutunan ako kapag kausap ko sya pero nakakabobo kasi talaga e. Ang sakit nya sa ulo lalo na pagpure english ang mga salitaan. My bleed is nosing. Chariz.


"Why did you asked, by the way?"


"Wala naman." nagkibit balikat ako bilang sagot, "May ikukwento sana akong kaganapan kaso wag na pala. Nagbago na isip ko."


"And what is that?"


"Nagbago na nga isip ko diba?" pamimilosopo ko naman.


"I'm curious already. Ikuwento mo na."


"Ayoko nga. Sabihin mo muna, please master."


"Please, baby?"


Kaagad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod nyang sinabi. Mabilis kong hinampas yung braso ni Rile dahil doon at humagalpak naman sya ng tawa. Napairap tuloy ako at napailing-iling nalang.

Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now