Chapter 10

217 21 25
                                    

"So bakit ka nga nandito?"


"I already told you, I'm with my friends."


"Sure ka? Hindi kita stalker?"


"Syempre hindi. Sino ka ba?"


Natawa nalang ako sa sunod nyang sinabi. I can't help but to burst it out so it made him laugh as well. Napailing-iling tuloy sya.


"So you're making fun of me now huh? Masaya ka na dyan?"


"Joke lang! Eto naman!" kaagad ko namang sabi.


Nandito parin kami ngayon sa peryaan at naglilibot-libot. May hawak-hawak na akong cotton candy ngayon at masayang kumakain. Si Rile naman, pinapanood lang ako dahil naubos nya na yung isaw na kinakain nya kanina.


Sinilip namin sina Eya sa pilahan ng horror house bago kami napadpad sa foods stalls. At dahil marami ngang tao ngayon, mukhang matatagalan pa sila sa sobrang haba ng pila. Mga 10 minutes narin siguro kaming palakad-lakad lang nito ni Rile at nandito na kami ngayon sa tapat ng ferris wheel. Paikot-ikot lang din.


"Kung kasama mo mga kaibigan mo kanina, nasaan na sila ngayon?" pagtatanong ko ulit.


"Nagsusugal."


"Nagsusugal?"


"Yes. They're playing coloring game when I left them earlier. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon."


"Ahhh," napatango-tango naman ako, "Kung ganon, bakit mo naman sila iniwan? Ayaw mo makisali?"


"I was about to, but in terms of that kind of game, I don't gamble money."


"Ehh?"


Nakita kong napataas ang isang kilay ni Rile dahil sa naging reaksyon ko. Kaagad syang napatingin sa'kin at parang nagtataka pa sya. I just shrugged my shoulders in response.


"Bakit nanaman?"


"Gambling isn't worth it, miss ma'am."


"Hindi naman ganon kalakihan mga tinataya doon!" apila ko pa.

Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now