Final Chapter - Part 2

205 18 29
                                    

"Ibigay mo sa'kin. Ako na gagawa."


"Ayoko nga!"


"Oh bakit? Ayaw mo diba? Oh edi akin na.  Ako na ang magchachat."


"Tigilan mo nga, Ezira! Akala ko ba curious lang kayo sa itsura nung lalaki? Bakit ichachat pa natin?" pagrereklamo ko pa.


"Aba'y syempre para maconfirm natin kung sya nga talaga yon! Baka mamaya nyan, dinodog show nya lang pala tayo e. Akin na. Imemessage ko."


"Wag na. Okay na yon." sabi ko nalang at mas lalo pang tinago sa likod ko ang cellphone para hindi nya makuha.


Mahirap na. Wala akong tiwala sa Ezria na 'to e. Baka kung ano-ano nanaman ang sabihin nya don sa lalaki. Malakas pa naman ang amats nito. Minsan, hindi ko na kinakaya.


"Pahiram lang! Ang damot talaga nito."


"Alam ko na yang mga technique mo, hoy! Wala kang maloloko dito."


"Ah talaga?"


"Talagang-talaga!"


"Eh eto? Alam mo na 'to?"


"Ang alin—"


"Geronimoooo!!!"


Napamura nalang ako nang biglang magdive si Ezria sa kama at dinaganan ako. Niyapos pa ako ng gaga at nagpaikot-ikot kaming dalawa. Sinubukan ko naman syang itulak palayo pero napakahigpit ng pagkakayapos nya. Nagulat pa ako nang bigla nya akong itulak at inihulog sa kama.


"Shit!" pagmumura ko habang hinihimas ang pwet ko. Ang sakit! Leche!


"Gotcha!"


"Gago ka, Ezria. Ibalik mo sa'kin yan!" halos mangiyak-ngiyak ko namang sabi nang makita kong nasa kanya na yung phone ko. Hindi ako makatayo agad dahil ang sama talaga ng bagsak ko sa sahig. Parang namanhid yung pwet ko. Bwiset.


"I'm gonna give it back later, biatch. Brb."


"Ezriaaaa!!!"


Napasigaw nalang ako nang dali-dali nang tumakbo palabas ng kwarto ko si Ezria. Narinig ko pang nagtawanan yung dalawa sa gilid ko kaya sinamaan ko agad sila ng tingin. Pero imbes na matinag, mas lalo lang silang natawa at saka lang ako tinulungang tumayo pagkatapos. Kainis!


Kotong malala talaga sa'kin yang Ezria na yan mamaya! Tsk. 


Lumabas na kaming tatlo nina Eya at Rosie sa kwarto ko para sundan si Ezria. Lumabas pa kami at nagpunta sa bahay nila sa kabilang kanto kasi akala namin tuluyan na syang umuwi. But it turns out, pagbalik namin sa bahay, nandon pa yung tsinelas nya kaya baka sa bahay lang din namin sya nagtago. Ibang klase rin talaga.

Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now