Chapter 14

165 16 17
                                    

"Shet. Sanaol."


Napalunok nanaman ako nang may isang post nanaman ng pagkain ang biglang napadaan sa news feed ko. This time, it's a shawarma pizza. Kumulo nanaman tuloy yung tiyan ko. Kahapon pa ako nagccrave dito e. Hays.


"Lord, bakit naman ganito mga lumalabas sa news feed ko. Nanadya."  nakasimangot na sabi ko nalang sabay shared post nung shawarma pizza.


Hanggang shared post lang muna kasi tipid ako ngayon. Malapit na kasi ang ang appointment ko sa dentista ko at bayaran nanaman ng brace e. Ang sakit sa bulsa. Jusmeyo.


"Oh,"


Bigla akong napatigil sa pagsscroll sa Facebook nang may biglang nagflash na ID caller sa screen ko. Tumatawag si Venice, yung kaklase ko sa Work Immersion at class president namin. Kaagad ko namang sinagot ito.


"Uy, hello."


"Hi, Rea! Tapos ka na ba sa portfolio mo? Nagcocompile na kasi ako ng mga projects e. Nautusan lang ni sir."


"Ay hala, hindi pa. May dalawang part pa akong di natatapos e. Kailan ba daw deadline non sabi ni sir?"


"Within this day."


Tangina?


"Ngayong araw mismo?!"


"Oo. Inannounce last week ni sir. Hindi ka ba nakaattend?"


"Yun na nga e. Hindi ako nakapasok sa klase ni sir last week. Hindi ko alam na deadline na pala ngayon."


Napuyat kasi ako nong mga oras na yon dahil gumawa ako ng research paper hanggang madaling araw. Eh maaga pala yung pasok namin sa Work Immersion class that time kaya hindi ako nakaattend dahil late na akong nagising. Hindi naman din nagchat si sir sa gc namin after ng meeting na ngayon pala ang deadline ng projects. Nagulantang tuloy ang kaluluwa ko ngayon.


"Tapusin mo na sis. Wait ko yung iyo before 4pm."


"Talagaaa?"


"Oo. Basta before 4pm lang ha? Lagot ako kay sir e."


"Osige sige. Gagawin ko na! Salamat!"


"You're welcome."


Inend na agad ni Venice yung call pagkatapos non. Dali-dali ko namang binuksan ang laptop ko para tapusin yung portfolio ko. Nak ng huweteng naman kasi. Deadline na pala nito ngayon, nagchichill-chill pa ako kanina. Nagccramming tuloy ako.


Friday na ngayon at mag-aalas dos na ng hapon. Kanina pang 12pm natapos ang klase ko at halos isang linggo narin ang nagdaan simula nung nagperya kami. Nothing much happened during the weekdays.


My communication with Rile continued after that night. Mostly sa hapon kami nakakapag-usap dahil pareho kaming may klase sa umaga. Random topics lang hanggang sa gumabi. Then all of the sudden, bigla nalang syang makakatulog tapos kinabukasan, magggoodmorning at magsosorry. Ang angas diba?

Till Our Voices Meet Again, StrangerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant