"Replayan mo na, Ate Rea. Wag ka nang mahiya!"
"Shawty na 'to oh! Amoy expensive!"
"Mala BGC boy pa. Shet."
"Tumigil nga kayo dyan! May pashawty-shawty pa kayong nalalaman. Kakatiktok nyo yan."
"Aba'y totoo namang shawty ah! Pamangkin na ng vice mayor natin yan teh, ano ka ba?"
"Eh eno naman ngayon? Kahit anak pa sya ng presidente, wala akong pakialam sa kanya."
"Hindi pa ba yan pasok sa standards mo?"
"Hindi at hindi rin ako interesado sa kanya." kaagad namang sabi ko at nagkibit-balikat pa.
"Choosy talaga nito ni ate. Attracted ka ba sa mapanakit kaya ayaw mo sa mukhang disente at may direksyon ang buhay? Akin nalang yang si Rile kung ayaw mo! Iaadd ko sa fb."
"Ano?"
Napaataas ang isang kilay ko dahil sa sunod na sinabi ni Ezria. Ngiting-ngiti pa ang gaga kaya mas lalo ko syang tinaasan ng kilay. Eto talagang babaeng 'to. Puro nalang lalaki. Bigwasan ko sya ng isa dyan e.
"Oh bakit? Akin nalang. Sayang e."
"Ano ka ba, Ezria? Ipaubaya mo na kay Ate Rea yan! Diba may kalandian ka ngayon? Magtigil ka nga dyan." sabat naman ni Eya.
"Sino? Si Joseph ba? Wala na yon. Panget kabonding e. Ghinost ko na."
"Napakasama talaga ng ugali mo."
"Gaga! Advance lang ako mag-isip. Feeling ko kasi ighoghost narin ako e. Inunahan ko na. Speed langs." kibit-balikat namang sagot nya. Napailing nalang ako.
Nagsimula nang magtalo-talo yung tatlo tungkol sa mga ganap nila kaya nawala na yung atensyon nila sa'kin. Kinuha ko ang pagkakataon na yon para makapagreply kay Rile ng matiwasay. Naupo ako sa gilid ng sofa at saka ako nagsimulang magtype.
From Gleareanne Castillo
Hi slr kakatapos lang ng exam namin thank youu
YOU ARE READING
Till Our Voices Meet Again, Stranger
Short StoryUnexpected things may happen. Fate can be a bad player sometimes. It can ruin everything in just a snap, yet it can create a new chapter in a story that only has its beginning. How come a story of mine will go this far? How come fate meets us in jus...