Chapter 15

192 17 12
                                    

"Tito, tita, gusto ko po sanang ligawan si Glareanne. Pwede ko po bang ligawan ang anak nyo?"


"HOYYY!!"


Napasigaw nalang ako sa gulat nang marinig ko yon. Kaagad kong nilapitan si Rile para batukan ng malakas pero tinawanan nya lang ako. Napakasira ulo talaga!


"A-ano bang sinasabi mo dyan?! Umayos ka nga!" inis na saway ko. "Wag nyong pansinin yan, ma, pa. Pinagttripan lang ako nyan."


"No, I don't."


Napatingin naman ulit ako sa kanya dahil don.


"Anong 'no, I don't'? Tigilan mo nga ako—"


"Glareanne, I want to court you. I'm not kidding."


Natulala nalang ako dahil sa sunod nyang sinabi. I was too stunned to speak. Pati sina mama at papa, di rin agad nakapagsalita. Hindi ko na alam kung ano irereact ko. Mukhang hindi nga nang jojoke time ang isang 'to. Putragis na yan. Ano ba kasing pumasok sa utak nya?! Bakit naman pabigla-bigla sya dyan?!


"R-rile, seryoso ka ba?!"


"Oo. Sayo."


Damn. I was so caught off guard. I don't know what to say. I can't believe this!


"I'm serious about courting your daughter, Mr. and Mrs. Castillo." baling naman nya kina mama at papa, "I know, this is just our first meeting but I want my intentions to be clear for the both of you and Glareanne. I want to freely express myself without you questioning her nor me about my actions towards your daughter. Sana po hayaan nyo akong ligawan sya."


Huhuhu totoo bang nangyayari 'to?!


"You got to be kidding me." nasabi ko nalang at naipailing-iling.


I wasn't really expecting this to happen! I thought he's just a go-with-the-flow type guy. Pucha. Hindi ko naman lubos maisip na gugustuhin nya akong ligawan. Hindi ko alam kung baliw ba sya o may amats lang talaga e. He's really fucking full of surprises. Hindi ko na talaga kinakaya ang Rile Marcus Sison na 'to!


"Naiintindihan ko ang pinupunto mo, hijo. Pero,"


Sabay na napatingin sakin sina mama at papa. Kita sa mga mukha nila na hindi din nila ineexpect 'to. Parang kinakausap pa nila ako sa mga tingin nila kaya napakibit balikat nalang ako. I was still speechless. Bahala sila dyan!


"Si Glareanne lang ang makakapagdesisyon nyan." pagpapatuloy ni papa.


"May tiwala naman kami sa anak namin at hindi namin sya pinagbabawalang tumanggap ng manliligaw. Kung malinis naman ang intensyon mo sa kanya at wala kaming nakikitang magiging problema, ok lang. Pero nasa sakanya parin ang desisyon kung gusto nyang magpaligaw." dagdag pa ni mama.

Till Our Voices Meet Again, StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon