Final Chapter - Part 1

201 12 8
                                    

"Ano nanaman ba yang ginagawa mo, Glareanne? Mukha kang timang."


"Eto naman si papa! Napakabasher."


"Ano ba kasi yan? Vinivideohan mo sarili mo habang nakatulala. Adik ka ba, anak?"


"Hindi kasi, pa. Nagawa lang ako ng tiktok. Lalagyan ko naman po ng caption 'to e."


"Hay nako. Mga kabataan talaga ngayon. Di ko na maintindihan."


"Bakit ka ba kasi nandito, pa?"


"Nandyan si Jade. Labasin mo muna. Sabi ko kasi sa kanya kahapon, sya nalang magturo sayo magmotor at aalis ako e. Eto na yung susi. Wag nalang kayong masyadong lumayo at baka pareho tayong buminggo sa nanay mo."


"Yun oh!"


Napatayo agad ako sa kama ko dahil sa sinabi ni papa. Hinagis nya pa yung susi sa'kin at agad ko namang sinambot yon. Laking-laki tuloy ang ngiti ko.


"Salamat, pa! The best ka talaga! Kaya mahal na mahal kita e. Pakiss nga."


"Eww. Kiss mo mukha mo."


Umalis na agad si papa pagkatapos nyang sabihin yon. Natawa naman ako at napailing dahil sa naging reaksyon nya. Kala mo hindi ako anak e 'no?Choosy pa.


Tinapos ko na muna saglit yung pag-edit sa video ko bago ko ibinaba ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer. Nilagyan ko pa ng caption yon at saglit pang napaisip kung dapat ko bang ipost yon. Pero bandang huli, napagdesisyunan ko na idraft nalang yung video. Binack ko pa ito para mapunta sa home screen at saka pinatay. Pagkatapos non, dali-dali narin akong lumabas dala yung susi ng motor ni papa.


Napapailing-iling nalang ako habang inaalala yung mga pangyayari bago yung araw na dumating sina Rile at Trinna sa bahay.


Tatlong araw na ang lumipas simula nung pumunta sila dito at tatlong araw narin akong di magkandaugaga dito sa Tiktok dahil hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang umabot ng 3 million views ang video ko. Kung sa iba siguro nangyari 'to, baka matuwa pa sila pero sa'kin kasi, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now