Chapter 9

245 27 9
                                    

"Nakakaproud, ate. Lumalago na talaga business mo."


"Wag mo kami kakalimutan ah!"


Napaangat ang tingin ko kina Rosie at Eya dahil sa sinabi nila. Hindi ko alam kung anong isasagot kaya ngumiti nalang ako at nahihiyang napatango.


Naks diba? Flattered yarn?


"Bakit ko naman kayo kakalimutan? Eh kayo nga 'tong tumutulong sakin." sabi ko nalang habang busy sa pagpapack ng orders.


Nasa salas kaming tatlo ngayon at tinutulungan nila ako. Nagsale nanaman kasi sa Shopee kagabi kaya marami akong tanggap na orders. Nakakatuwa nga e. Puno ng J&T bags ang buong sahig sa salas. Sana always.


Today is Saturday and it's already 4 o'clock in the afternoon. Isang linggo na agad ang nakalipas matapos kong umattend sa birthday party ni Evianna.


Rile and I never had another communication that night after I updated him that I'm already got home. Hindi narin naman sya nangulit pa pagkatapos non so my 1 week semestral break went quite peaceful. Just a typical week passed by.


"Finally!"


Hours have passed at sa wakas, natapos rin kami sa pagpapack. Wala si Ezria ngayon dahil may pinuntahan ata sila ng mama nya kaya kaming tatlo lang nina Rosie at Eya ang magkakasama ngayon. Naglinis lang kami ng mga pinaggamitan namin at nagpahinga narin pagkatapos.


"Tara perya! Balita ko, bukas na daw ulit e." biglang pagyayaya ni Eya. Sabay tuloy kaming napatingin sa kanya.


"Weh? May perya? Saan?" kaagad namang tanong ni Rosie.


"Sa Paradahan."


"Tara! Sama din natin sina Kuya Jade!"


"Oo ba! Magchat kayo sa gc. Magpapaalam lang din ako." sabi ko naman na ikinatango nalang nila.


Susulitin ko na 'tong sembreak ko dahil sa Monday, may pasok na ulit. Nagkayayaan na kaming magkakaibigan sa gc at lahat sila sasama kaya nagpaalam narin agad ako kay mama pagkauwi nina Rosie at Eya.


"Ma, pwede ba akong sumama kina Eya papuntang perya?"


"Saang perya nanaman ba, Rea?"


Till Our Voices Meet Again, StrangerWhere stories live. Discover now