Chapter 5

349 34 16
                                    

"AAAACCKKKKK!"


Napalayo ko bigla sa tenga ko yung cellphone ko nang biglang sumigaw si Trinna sa kabilang linya. Muntik na akong mabinge dahil don. Pucha! Napakatinis talaga ng boses. Huhugutin ko voice box nito e.


"Wag ka ngang sumigaw dyan! Napakaingay mo talaga!" inis na saway ko nalang.


"Oh my god, insan. Totoo ba?! May ganong ganap?!" 


"Oo nga. Napakakulet."


"Ang shala naman ni Rile! Shuta! Kinikilig ako!"


"Pfft. Anong nakakakilig don? Ehh inabot lang naman yung nahulog na reviewer at nagpakilala."


"Duh! Syempre yung chemistry nyo!"


"Yung ano?" napakakunot ang noo ko dahil don.


"Yung chemistry! You know, the connection and everything? Conspired by the universe and fate? Gosh. Ang sakit mo sa bangs, insan ha!"


"Conspired-conspired ka dyan. Mga nalalaman mo." napangiwi nalang ako.


"Hoy, Glareanne! Ikaw 'tong author sa ating dalawa. Wag mo sabihin sakin na hindi mo alam yon?"


"Boba, syempre alam ko yon! And for correction, huminto na ako sa pagsusulat so technically, I'm not an author anymore. Walang fate at conspiracy. Gawa-gawa lang yan ng illuminati. Tsk."


"Sus! Ang sabihin mo, bitter ka nalang ngayon! Hindi ka inalagaan ng tama kaya ayan, pati passion kinalimutan. Ang gaganda kaya ng mga stories mo! Sayang naman kung di mo tatapusin yon."


"Wala na akong passion sa pagsusulat, Trinna. My author dream is just a big joke." sabi ko nalang habang nakaharap sa salamin at kausap sya sa cellphone.


"Nah uh. Hindi totoo yan. Nawalan ka lang ng rason para magpatuloy pero nandyan parin yung passion mo. Wag ka ngang sad girl! Baka sabunutan kita dyan."


Napakibit-balikat naman ako dahil don, "Whatever."


"Anyway, nag-uusap na ba kayo ni Rile?"


"Ano?" napakunot nanaman tuloy noo ko dahil don. "Bakit naman kami mag-uusap, aber?"


"At bakit naman hindi? Nireto kita diba? Anong ineexpect mo?"


"Pumayag ba akong ireto mo ako sa kanya ha?!" 


Aba'y siraulo 'to ah! Pinamimigay ako sa kung sino. Ni hindi ko nga gustong ireto ako. Lakas talaga ng amats ng pinsan ko na 'to!


"Wag mong sabihin sa'kin na hindi mo parin type yon?! Kagwapo-gwapong walking green flag na non! Boba ka."

Till Our Voices Meet Again, StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon