Chapter 16: Who's the Culprit?

1.4K 24 0
                                    

*** 

Chapter 16: Who's the Culprit?

"To a great mind, nothing is little."

               – Sherlock Holmes

7:00 pm

Nasa kwarto pa rin ako. Ewan ko ba pero tinatamad ako ngayong bumangon. Ayoko ko ring mag-ikot sa buong bahay. 

Umikot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto, alam na alam talaga ni Papa kung anong kulay ang gusto ko. Pink. The king-size bed was pink na hello kitty at may mini-library. May computer at printer. May flat-screen na sa tingin ko 14 inches ang wide. May sarili ring CR at shower room. Even the wall was pink at may maliit na kulay pink at red na chandelier sa kesame na napapagitnaan ng mas maliit pa na chandelier. Bale tatlo ang chandelier rito sa kwarto ko. 

Maybe I will leave first the anger na meron ako kay papa pansamantala. 

Tama si Kuya. Ama ko pa rin siya. 

Maya-maya'y naramdaman kong may mga yapak ng paa ang papunta rito sa kwarto. Papalapit ng papalapit. 

"Miss Selene, the food is already on the dining. And they are waiting for you to join." wika ng isang babae na hindi mo aakalain na babae dahil sa boses nito na parang lalaki.

Huminga ako ng malalim.

"I will. Thank you for telling me." sambit ko at bumangon na. 

Hindi na rin sumagot pa ang babae ngunit nararamdaman ko pa ring nakatayo lang siya sa labas at naghihintay. Ganito ba talaga sila rumespito? Hinihintay nila ang amo o baka naman sinisigurado niyang pupunta talaga ako? 

Binuksan ko ang pinto kasabay ng pagkagulat ng babae. That girl named Pia. 

Yumuko ito sa akin. Pinagmasdan ko lang siya. Hmmm, ngayon ko lang napansin na may pagkapinay siya sa kilay at labi. Makapal at manipis. Hindi na kailangan ng kahit anong retouch dahil maganda na siya. Simple woman. 

Ngumiti ako nang magkaharap na kami ni Pia.

"Susunod ako wag kang mag-alala." wika ko sa kanya.

Ginantihan naman niya ako ng ngiti. Naiintindihan niya kaya ang sinasabi ko? 

"S-Sige p-po M-Ma'am." utal-utal nitong sagot.

Wew, marunong naman pala siyang magtagalog eh. Aish! Pinahirapan pa ako. But the way she speaks is slang huh. Tsktsk.

Tumalikod na ito. Pinagmasdan ko pa rin ang babae pero bigla itong lumingong muli sa akin kaya napairap na lang ako. 

"Magagalit ba si Papa sa iyo kung di ako sasabay sa'yo?" usad ko sa kanya at isinarado ang pinto at sumunod na sa kanya.

Napahinto ang babae pero nakatalikod pa rin ito. 

"We don't have the right to tell about that, but yes he is." may diin nitong wika. 

Napakunot noo naman ako. 

"Why?" puna ko na puno ng pagtataka. 

Hindi sumagot ang babae bagkus ay itinuro nito ang daanan sa akin at lumihis sa gilid ng hagdan upang makadaan ako. 

Napairap na lang ako ulit at lumakad na lang. 

Nasa upuan na sina Kuya at Papa, may pinag-uusapan na sa tingin ko ay seryoso. Tumigil lamang sila sa pag-uusap nang maramdaman ang prisensiya ko. 

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now