Chapter 37: Big Shots

923 28 1
                                    

***

Chapter 37: Big Shots

"So Dark, So Deep, the SECRETS that you KEEP."

                 – Unknown


"Sir Lee?"

Napalingon ako sa direksiyon ni Min na parang nakakita ng halimaw. Kaya pala sobrang familiar ng mata niya.

"Ikaw si V-Voldemort?" nanginginig at hindi pa rin makapaniwala kong wika.

Tumingin ito sa akin ng seryoso.

"Patawad Selene." tugon nito pagkalipas ng ilang sandali.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"Tapatin mo nga kami, sino ka ba talaga Sir Lee at bakit nandito ka?" singit ni Duri na nasa unahan na ni Sir Lee.

"Hindi ako si Voldemort na inaasahan mo. Selene patawad sa lahat ng nagawa ko. Inutusan ako ni Voldemort sa lahat upang mapalapit sa iyo at kunin ka. Naalala mo yung The Treasure Hunt? Ginawa ko yon para mabasa mo ang kabuuan ng kwento, ako rin ang nag-utos sa kambal para patayin si Mrs. Flores dahil nalaman niyang may balak kami sa iyo. Ako rin ang nag-utos sa ibang Idiosyncratic Team na gumawa ng gulo sa eroplano noong papunta kayo sa Germany, at ako rin ang nag-utos kina Six na pumunta sa bahay niyo dati para hanapin ang camera kung saan nasa papa mo dahil utos rin ni Voldemort na huwag ng kunin ang camera bagkus ay ikaw na at sina Min at Duri kaya nandito kayo ngayon." salaysay nito na ikinagulat ko pati ng dalawa kong kasama.

I stunned. Para akong nahulog sa bangin. Kaya pala sobrang pagtataka ko na lang na halos kapareha ang kwento ko sa kwento ni Sir Lee at bakit siya rin ang nagbenta ng bahay na Headquarters ng P. O. D ngayon dahil may kinalaman siya sa nangyayari. Bakit ngayon ko lang napansin ang lahat? O baka napansin ko na, hindi ko lang inaalala.

"Ikaw ba si Florence Albert?" tiim bagang kong wika.

Napatango naman ito. So, it was all just a set up, really?! He was also disguising like us, and that day when we used disguised suits, nakilala niya na pala kami. Kaya ba may tiwala siya sa amin noong gumawa siya ng laro sa room namin? And his intention was to get close with us, with me? 

"If you knew everything, then why you are here to tell us that?" tiim bagang namang sambit ni Min sabay turo kay Sir Lee.

"Ano ang gusto mong iparating Lee?" segunda ni Duri na hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa akin.

Pinagmasdan ko siya sa mata. The heck?!

Bakit ang familiar ng mata ni Sir Lee sa mata ni papa. Hindi kaya magkadugo sila ni papa?

"I am Chris Lee, kapatid sa ama ni David Martin. Nandito ako para sabihin sa iyo Selene Charity na hindi mo pa masyadong kilala ang iyong ama pati ang iyong ina."

Bigla akong napahawak sa kamay ni Min. Ano na naman ba ito? I always found myself useless.

Naramdaman kong lumingon sa direksiyon ko si Min pati si Duri pero hindi ako lumingon sa dalawa at nakatingin pa rin kay Sir Lee.

"Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Papa?!" singhal ko.

Tama nga ako kaya pala sobrang familiar ng kanyang mata. Why this is happening?!

Naglakad ito palapit sa akin.

"Ask your Father Selene. Alam mo ba talaga kung paanong pinatay ni Voldemort si Sandra, ang iyong ina?" seryoso nitong wika habang nakatingin sa aking mga mata.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα