Chapter 19: The Visitors

1.3K 33 2
                                    

***

Chapter 19: The Visitors

"Confusion is the welcome mat at the door of CREATIVITY."

                    – Michael J. Gelb

Halos 30 minuto ang naging biyahe namin papunta rito sa Brandenburg Gate. Paikot-ikot lang kami sa buong area. Grabe hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nakikita ko na in person ang gate na ito. May kulay na dirty white at parang yung nasa taj mahal ka talaga, iba nga lang style nung taj mahal at kulay. It was one of the landmark here in Germany, and take note one of the best. 

Habang kinukuhanan ko ang kabuuan ng gate ay may bigla akong nahagip na flash. Wait nga lang may kumukuha ba ng picture ko palihim rito? Lumingon ako sa kaliwa't kanan pati sa likod ko pero wala namang tao na may hawak na kamera. Mmm, maybe a trick of my DSLR. 

Tinawag ko si Kuya at Pia na kasalukuyang nag-uusap. 

"Yes Ma'am?" wika ni Pia. 

"Kukuhanan ko kayo ng picture." sambit ko. Napakunot noo naman si Pia.

Gosh.

"Marunong ka naman magtagalog diba?"

"Y-Yes, pero hindi m-masyado."

Napatango naman ako. Na-overestimate ko ata siya. Tsk.

"I said, I will took a picture of the both of you." muli kong sambit kaya mula sa walang emosyon nito ay napalitan ng pamumula sa pisngi.

Biglang ipinasok ni Kuya ang cellphone nito sa bulsa at hinawakan ang babae sa balikat. 

"Go on Charity." sambit ng aking kapatid.

Napangiti na lang ako at agad na kinuhanan sila ng picture. 

"Asan si Papa?" panimula ko sa kapatid nang nakaupo kami sa isang bench.

Hindi ito lumingon sa akin bagkus ay nasa malayo ang tingin nito kaya sinundan ko ang abot ng kanyang tingin. At doon may mga taong nagkakagulo di malayo sa kinauupuan namin.

Agad akong tumayo at tumakbo papunta roon. Narinig ko pa ang pagsigaw ng aking kapatid sa pangalan ko. But the problem, I didn't bring my disguise suit! Sa lahat ba naman ng makalimutan iyon pa? Tsk. bahala na nga wala naman ako sa school eh. 

Nang halos abot tanaw ko na ang mga taong nagkakagulo agad kong tinabig ang nasa harap na nakaharang at nasa gilid ko until I clearly saw the victim. 

Nakadapa ito. Walang bahid ng sugat o dugo. How come he turned unto this situation?

Lumapit ako sa biktima at hinawakan ang leeg, may pulso pa at sobrang bilis nito. He was maybe running awhile ago or it is a heart failure. Dalawa lang naman ang pagpipilian eh. 

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid na nakatingin sa biktima, inisa-isa ko sila pero walang kakaiba. Inilapit ko ang sarili sa biktima and I can still hear his heartbeat. Tumayo ako at tumingin sa isang babaeng nakaeye glass at mukhang may maibubuga in terms of IQ level. 

"Did someone call the police and ambulance Ma'am?"

"Yes and I did it." mahinahon nitong wika.

Tumango na lamang ako at akmang lalapit sa biktima nang biglang sumigaw ang babaeng nakaeye glasses. 

"There he is! Mr. Vence Scoutch!"

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now