Chapter 29: Who Will Be My Date?

1K 28 8
                                    

***

Chapter 29: Who Will Be My Date?

"Good night, good night! Parting is such sweet sorrow, that I shall say good night till it be morrow."

              –William Shakespeare

"Duri Meyer?"

"Selene Charity Martin?"

Agad akong napatayo at lumapit sa lalaki na nanatiling nakatayo sa pwesto nito.

"Anong ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing ikaw ang sinasabi ni Kuya na si DL na isa sa hackers?" sunod-sunod kong wika.

Bigla itong naglakad palapit sa akin.

"Oo, ikaw? Bakit ka nandito? Huwag mo sabihing anak ka ni Boss at kapatid ni Ki?" nagtataka rin nitong wika.

Sinapak ko siya sa braso na hindi naman niya hinarangan.

"I am not that stupid Duri. I know you already knew my background before you entered here. Crazy."

"Oh! That hurts." narinig ko pang usad ni Jun bago umalis sana nang pinigilan ko ito.

"Huwag kang umalis. May sasabihin pa ako." inis kong wika sa kanya.

"Gaano katagal mo ng alam na si Duri ay kasama sa P. O. D?"

"1 year. 1 year pa lang siya dito sa P. O. D habang ako ay 3 years na."

Ngayon, bumaling ang tingin ko kay Duri.

"Bakit? Bakit hindi mo sinabi? Sino ka ba talaga?" maawtoridad kong wika sa kanya.

Naglakad ito palapit sa isang malaking darts at kumuha ng isang maliit na arrow. Sa nakikita ko sa kanya ngayon, ibang-iba ang Duri na annoying sa pagiging seryoso niya.

"Classified ang P. O. D Selene kaya nagiging classified rin ang mga members nito. At isa pa, sasabihin ko naman talaga sa'yo, naghahanap lang ako ng pagkakataon." usad nito sabay tapon sa board ng arrow.

"Bulls eye!" sigaw ni Jun.

If he is a member of P. O. D at isang hacker, it means he also knew about my mother's case. Or should I say kasama rin siya sa naghahanap ng kasagutan sa pagkamatay ni Mama.

"So alam mo rin ang tungkol kay Mama?"

Lumingon ito sa akin.

"Oo. Kami kasi ni Jun ang naghahanap ng access tungkol sa paglabas masok ng Idiosyncratic Team. Kaya alam namin kung nandito ba sila sa lugar o wala. Sa ngayon, nasa Eden pa rin sila kung saan tayo pumunta nong nakaraang araw, sa bahay ni Mrs. Willmae." wika nito at umupo sa sofa.

"Pero alam naman namin na hinahanap nila ang camera ng Mama mo. Ano nga ba ang meron sa camera Selene, at pati kami ay napapaisip sa ganyang bagay?" singit ni Jun.

"Hindi ko alam, hindi ko pa rin maalala. Teka, kung nasa Eden sila bakit hindi niyo pinuntahan? Tara, sasama ako kung pupunta kayo."

"Hindi madali dahil mas importante na makita muna namin ang camera ng Mama mo dahil kapag mahanap na namin yon, mas lalong lumalapit ang mga taga Idiosyncratic Team. At pagkatapos non, we can find the murderer."

Kung ganon, it is possible na siya si Detective Andrei?

"Duri, paano kung hindi ko na maalala yon?"

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now