Chapter 30: Identity

993 27 3
                                    

***

Chapter 30: Identity

"Clothes may disguise a fool, but his voice will give him away."

                      Unknown


Hindi ko maintindihan sila Yuan, Tan pati si Duri at Louie. Hindi naman ako kasingganda ng iba ah? Tsk. Ano bang nagustuhan nila sa akin? Aish.

At hanggang ngayon wala pa rin akong partner sa ball. At isa pa, bakit naman ako mamomroblema kung pwede rin naman na hindi ako sumali? Pero ganon na nga, magagalit sina Shin at Gyeong sa akin. Babanatan na naman nila ako ng "Bakit ayaw mong sumali?" "Ang killjoy mo talaga." "Para kang timang."

Ewan. Ayoko ng maingay kaya sasali ako kahit walang partner.

"Ano Miss, hihiramin mo ba ang The Treasure Hunt? Kanina ka pa nakatayo diyan eh." inis na sambit ng tagabantay rito sa library. Isa pa ito eh.

"Ah, oo!" wika ko sabay ngiti ng plastik. Tsk.

"Pakipirma na lang nito."

Agad ko namang inabot ang papel at agad na pinirmahan. I decided to sit in the end. Nakahiligan ko na doon.

Pero nung nasa dulo na ako nahagip kong may nakaupo rin, at sa mismong dulo. No, actually he is sleeping. But base on his features, it was Min.

Lumapit ako sa kanya at hahawakan sana sa ulo nang bigla itong nagising.

"Boo?" wika nito sabay kamot sa mata.

Dito pala siya pumunta.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sleeping."

Tiningnan ko naman siya ng masama.

Umupo na lang ako sa tabi niya sabay lapag ng libro.

"You will read it?" wika niya sabay tingin sa libro.

"You must read it." puna nito.

"Yeah, yan nga ang gagawin ko." wika ko at binuklat na ang libro.

"Ayokong magsuot niyan."

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng casual. Kulay blue ito na paboritong kulay ko pero backless ito hanggang waist. May mga sequence sa bawat bahagi, turtle neck, at abot hanggang tuhod.

Ayos na sana kaso backless lang talaga eh. Tsktsk.

"Eh paano naman kung backless? At least hindi kita yang potato at milkita mo." inis na wika ni Gyeong.

Kinurot ko siya sa braso. The heck? Potato? Milkita? Saan naman nakuha niya ang mga terms na yan? Tsk.

"Kahit kailan ka talaga." galit kong sambit sabay kuha sa damit na ibinigay niya at agad na isinuot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin nila akong minake-up ni Shin.

"Gosh! Ang ganda mo Selene." bungad at excited na turan ni Shin.

Nginitian ko lang ang dalaga habang nakatingin rin sa kanya.

Bagay na bagay kasi sa kanya ang kulay red na casual. Above the knee ito kaya bakat na bakat ang pagkaputi niya. Tube pero may kulay white na blazer. Habang si Gyeong nama'y suot nito ang above the knee na violet casual. May sequence sa dulo ng damit at may kulay white na belt.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon