Chapter 17: Classified

1.1K 27 1
                                    

***

Chapter 17: Classified

"The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observe."

                  – Sherlock Holmes


"Charity." narinig kong sigaw ng aking kapatid kasabay ng pagbagsak ng lalaking nasa harapan ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa sarili kong mga kamay ay may napuruhan akong tao.

Pinagmasdan ko ang lalaki, natamaan ko ito sa kaliwang paa. Nagpatuloy pa rin ito sa pagdurugo. Ano pang pinagkaiba ko sa pumatay kay Mama? Kahit hindi siya namatay pero nabaril ko siya! At isa pa, I'm investigating to help people not on killing or hurting someone!

Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking kamay na may baril, unti-unti niya itong kinukuha sa akin.

"Shhh. It's okay Charity." bulong ng aking kapatid habang hinihimas ang aking balikat. Naramdaman ko ring may papalapit sa kinaroroonan namin.

"D-Diba ikaw yung babae kanina?" turo sa akin ni Yuan.

I breathe anxiously. Buti na lang hindi niya narinig ang sigaw ni Kuya sa pangalan ko. Tumango na lamang ako at lumingon sa pulis na tinulungang tumayo sa lalaking nabaril ko. Dumako ang tingin ng pulis sa akin. 

"Why did you shoot him? Anong motibo mo?" sambit ng pulis.

Base sa mukha nito, he is a half filipino. Mas matangos nga lang ang ilong niya at medyo may kaputian. Tumayo si Kuya at lumapit sa pulis. 

"Easy Mr. Officer. Actually because of her malalaman natin ang tunay na culprit." wika ng aking kapatid.

Naramdaman kong tinapik ako ni Yuan sa balikat. 

"What does he mean Ma'am? You mean you are a detective?" mangha nitong bigkas sa akin habang hindi pa rin maalis ang kamay sa balikat ko.  

Mukha atang hindi niya ako hinahanap ah. Tsk.

Tumango na lamang ako sa lalaki bilang tugon sa tanong nito. Napahawak ako sa aking damit at tumingin sa direksiyon ng aking kapatid at ng pulis. Lumapit sila sa akin habang hawak-hawak ng pulis ang lalaking nabaril ko.

"Detective Sandra right? Sabi ni Ki sa akin. I'm Officer Vence Scoutch." wika nito. 

Pero teka lang, Vence? Come on Charity, sabi ni Miss Jenny nagbakasyon lang daw si Vence na boyfriend niya. Pero hindi niya alam kung saang bansa ito nagbakasyon. But can it be him then? 

Pinagmasdan ko ng maigi ang pulis na sinasabing Vence ang pangalan niya. Wala namang binanggit si Miss Jenny na isang pulis ang nobyo niya or she does not know that her boyfriend was a policeman? No, it can't be. Malabong hindi niya alam. 

"Are you Miss Jenny's boyfriend, right?" wika ko.

Mas sumeryoso ang mukha nito dahil sa sinabi ko. 

"I don't know her. Can you please start your deduction in this guy and how he became the culprit if the true culprit was killed by me."

Bakit wala akong makitang lusot man lang sa sinabi at galaw niya. Baka nga hindi siya. Maraming Vence sa mundo. Tsk. Pero may pakiramdam talaga akong siya eh. 

Tumayo ako ng maayos mula sa pagkabigla kanina at nagsimulang maglakad pabalik sa grocery.

"Follow me."

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now