Chapter 21: His Twin and a Commotions

1.2K 32 1
                                    

***

Chapter 21: His Twin and a Commotion

"I don't cause commotions, I am one."

                  – Wicked 

Selene Charity's POV

Alas otso na rin kaming nakarating sa Pilipinas. Ewan ko ba kung magiging masaya ako kasi hindi talaga sapat ang nalaman ko tungkol sa naging dahilan ni papa kung bakit iniwan niya kami ng ilang taon. At iyon ay dahil sa pagbuo ng isang secret team na pinangalanang "P. O. D o Private Operative Descendants."

Hindi ako makapaniwala na inaakala kong ako lang ang may itinatago tungkol sa pagiging detective sa aming pamilya dahil maging si Papa at si Kuya rin pala. 

At patungkol sa Idiosyncratic Team? Ewan ko ba. Madami naman diyang mas magaling sa akin. Well, sinabi ko ba talaga na magaling ako? Mmmm, back to the topic, bakit kasi ako pa ang naisipan nilang irecruit sa team nila. At isa pa kung totoo yung sinabi sa akin ni Kuya na isa sa Idiosyncratic Team ang pumatay kay Mama, maaari kong magamit ang pagrerecruit nila sa akin lalo't di nila alam na anak ako ng isang David at Sandra.

If I am a hard-headed at least I will use it for my mother's murder case 7 years ago.

Nakahiga ako sa kama habang iniisip ang bagay na ito. Sina Gyeong at Min kaya,  nakauwi na ba sila? Hindi man lang nagtext si Gyeong sa akin. At isa pa yung tinext ni Min sa akin. 

From Min:

Yung necklace na nakuha natin kay Miss Jenny ay konektado sa isang secret team. The V means voldemort na konektado naman sa nangyari noon kay Mrs. Flores at sa identical. 

Bakit inaaksaya namin ang oras sa black society o whatever secret team na yan? Ewan ko na naman. Black society o secret team? Parehas lang yan Charity! Whatever a secret team has been existed secretly was may called also a black society. Kasi porket black society na, drugs na agad ang naiisip ng mga tao, nah. Everything in this world is full of mysteries and secrets that only wide and open minds can discover and can enter to its hole.

Baka nga ang Idiosyncratic team na naman ang may kinalaman sa mga nangyayari eh. And that was really possible especially na kailangan nila ng bagong kasama that is badly to say ay ako pa ang naisipan nilang irecruit. Maaari kayang meron rin rito sa Pilipinas o mismo rito sa Northern Boulevard City ang isa sa Idiosyncratic team? 

Kasi paano sila nakakabuo ng mga commotions if nasa ibang bansa sila. Wala akong ibang maisip na ikokonek patungkol sa mga nangyayari lalo na sa Voldemort na yan kung hindi ang Idiosyncratic team lang.

Can it be also that Voldemort is the responsible of killing my mother? If that so, I must immediately discover who is behind that disguise. 

Monday

Balik aral na kaming lahat. Makikita ko na naman ba si Duri na yun?. Aish. At pati si Ta–

"Selene!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa aking ngalan. Speaking of–

"Tan." mahina kong sambit sa sarili.

Kumakaway pa ito bago nakalapit sa akin at umakbay.

"Kumusta ang bakasyon aking Reyna? Hehe." nakangisi nitong bigkas sabay pinghot sa aking ilong. 

"Aray! Bakit ba nakakainis ka?!" naiinis kong wika rito.

Narinig kong tumawa lang ito at niyaya na akong maglakad. Ano pa nga bang magagawa ko kung kinaladkad na ako ng taong ito? Eh halos 3 inches ang taas nito sa akin at napapatingala na ako sa kanya, huh! Lalo na si Min na mas mataas pa siya ng isang inch lang naman kay Tan. At si Duri? Halos magkapareha lang kami ng height nun. I am 5'5. 

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin