Chapter 18: A Puzzle Piece

1.2K 29 1
                                    

***

Chapter 18: A Puzzle Piece

"When we are tired, we are attacked by ideas we conquered long ago."
     
               – Friedrich Nietzsche   

"Why it takes too long the both of you to go home?"

Hindi pa lang kami nakakapasok sa loob ng bahay at nasa pintuan palang kami ay rinig na rinig ko na ang boses ng aking ama mula sa loob.

Si Pia na ang nagbukas ng pinto at agad na tumambad sa amin ang aming ama na naghihintay at nakaupo sa sofa habang nakatalikod ito. 

"May nangyari sa grocery." sambit ng aking kapatid at lumapit kay Papa.

Hindi na ako lumapit pa sa kanila at nagpatuloy lang ako sa paglalakad paakyat ng hagdan nang biglang nagsalita si papa. 

"Charity, can you just act that there's no boundary between us?"

Napahinto ako at lumingon sa direksiyon ng aking ama habang nakatalikod pa rin ito at sa aking kapatid na iginalaw ang ulo at itinuro sa direksiyon ni papa as a sign of ordering me to do what he wish for. 

Huminga ako ng malalim bago sumagot. 

"I will try." sambit ko at nagpatuloy na. 

Nang halos hawak ko na ang doorknob ay muli akong tumingin sa direksiyon nila pero wala na sila doon kaya pinihit ko na ang doorknob at pumasok sa kwarto. 

Humiga kaagad ako sa malambot na kama at tumingin sa aking relo, 09:02 pm. Maaga pa.

Ano kayang ginagawa nila Min at Gyeong sa ngayon? Siguro'y nasa Quezon si Gyeong at nasa Cebu naman si Min. Teka, hindi ba ang sabi ni Min ay nasa Cebu ang kapatid niya? Iyon ang naaalala ko. Kung nandoon man, so magkikita na sila? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? 

Ring*

Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bag at binuksan ang inbox.

From Min:

Nahanap ko na si Vence. May picture na rin niya ako

Bigla akong napatayo sa pagkakahiga. So malalaman ko na kung sino talaga si Vence na nadawit sa sinasabing underground business?

Sa totoo lang, naisip ko minsan bakit nga ba kailangan kong malaman ang tungkol sa underground business? Siguro kasi, sobrang misteryoso ng mundo nila at bakit konektado ang nangyari kina Miss Jenny at Mrs. Flores sa underground business. O kaya umaasa akong may kinalaman rin sila sa pagkamatay ng aking ina? Ewan ko ba. 

Agad kong nireplayan si Min. 

To Min:

Send the picture please.

Maya maya'y may nareceive ulit ako and it was a picture of a man. 

Huh? Bakit iba ito sa inaasahan ko? Moreno, medyo matangos ang ilong at chinito. Kaso sa tingin ko ka-height niya lang si Officer Vence. Hindi eh, ito ba talaga iyon? Kasi, may kutob akong si Officer Vence ang tunay na Vence na inaasahan ko.

Nireplayan ko si Min. 

To Min:

Are you sure? It was him? Saan mo nakuha? How many percent that you are really sure about it?

Naisip ko kasi baka nagkakamali lang siya. Pero paano kung tama nga si Min? Alam ko si Min, he will try and try until he will get what he wanted. At isa pa, mas maraming alam si Min kaysa sa akin.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon