Chapter 44: Closer

1K 27 2
                                    

***

Chapter 44: Closer

"Be yourself, but always your better self."

                 – Karl G. Maeser



Napahawak ako sa aking kama. Its been a long time since I've been here. 

Ito ang unang makikita kapag pumasok ka sa pinto sa likod. I can still remember the password of the door.

02-14-99. My birthday. Malapit na pala ang birthday ko. And I guess my birthday would be lonely again.

"Ako na ang sisilip sa may labas." usad ko. 

"No, ako na lang." sabay na sambit ng dalawang lalaki kaya nagkatinginan sila.

Inirapan ko sila. 

"Can you please stop that? Ako na lang." giit ko sabay tingin sa maliit na butas.

Naiilang na talaga ako sa mga titig nitong dalawa, akala siguro nila na hindi ko namamalayan. May lahi ata akong pusa eh. Tsk.

Ano ba ang pinag-uusapan nila?

Muli akong tumingin sa butas ngunit laking gulat ko na lang nang may sumilip rin na mata rito kaya napaatras ako.

It's Tito Sean. It's him!

"Bakit Boo?" wika ni Min.

Bago pa man ako nakasagot ay biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagtutok ng 45 calibre ng lalaki sa akin.

Sucks! Baril na naman! The heck?!

Pinagmasdan ko siya. 

"You are a monster." galit kong wika. 

"Huh! You are a stupid young detective my dear." sambit nito. 

"Sino ang tunay kong magulang Sean?" maawtoridad na wika ni Min. 

Naramdaman kong lumapit si Tan maging si Min sa akin ngunit biglang may pumutok.

Napalingon ako kay Tan. 

"Tan!" 

Para namang huminto ang mundo ko. Ako dapat ang mabaril! Hinawakan ko siya sa may dibdib kung saan may tama siya ng bala.

Sucks! Nanginginig na ang aking kamay habang hinahawakan siya.

"Ayos lang a-ako Selene." utal-utal nitong sambit.

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib, umiinit na ang aking mata. 

Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. 

"M-Min, hindi ko alam pero maaaring t-tama ang hinala kong ikaw ang nawawalang a-ana– aw!"

"Tan!" sigaw ko nang may pumutok na naman. 

Napalingon ako sa direksiyon ni Sean. Hindi na siya nag-iisa. Kasama niya si Matthew, Aki, pati si Hans at s-si Florence Albert?

Bigla akong napatayo. Teka, nalilito na ako! Akala ko ba si Sir Lee ay si Florence Albert?

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na sumama ka na sa amin? Pero ayaw mo, kaya ikaw lang din ang may kasalanan kung bakit nangyari ito lahat Selene." sambit ni Sean. 

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now