Sa bawat paglisan at pagpatak ng luha
Mula sa namumugto mong mga mata,
Nasaksihan kita
Nasaksihan ko ang mga paalam
At patawad bago ka iwanang nag-iisa
Kung paano mo tinaboy ang tulong na inaabot ng mundo
Alang-alang sa pag-ibig na ibinalik na sayoNasaksihan kita hanggang sa unti-unti mong pagsuko
Para sa pag-ibig na dati'y pinangako
At ika'y pinako sa sakit ng paglisan
Na dumurog sa puso mong pilit kong binubuoIsa ka ng sugatan mula sa digmaang
Dapat ay di mo pinaglaban
Ngayon, ika'y nagdurugo
Pilit nililimot ng puso
Ang tanging dahilan ng pagtibok
Sa tagal ng 'yong dasal
Alam kong ika'y umaasang babalikan
Nagmamakaawa sa May kapal na tuparin ang inaasam
Kahit hindi na ikaw ang kanyang minamahalNais kitang patahanin sa gabi gabi mong pag-iyak
Patawanin ang malungkot mong mukha
Isalin ang sakit na nararamdaman sa akin
Pagod na akong nakikita kang nagdudurusa dahil sa kanya
Ngunit kahit gustuhin ko man, di umaayon ang kalawakan
Dahil itinadhana akong ika'y bantayan
Sa ano mang dagok na dumating sa iyong buhay
Isa lang akong saksi sa ginawa pagwasak sayo
At mananatiling saksi sa paghilom ng puso mo
YOU ARE READING
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...