Pagtingin

4.2K 81 6
                                    

Mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Baka hindi sapat ang mahal kita
Kaya inulit ulit ko pa,
Mahal na mahal kita
Mahal kita kahit masakit na

Mahal, kung di mo yun narinig
Nung unang beses kong ibulong sayo
Heto ipinagsisigawan ko na sa mundo
Mahal na mahal kita kahit masakit na
Baka sakaling ngayo'y maramdaman mo na

Hindi ko maintindihan kung pano ka pinalaki
Para maging manhid sa lahat ng nangyayari
Hindi ko rin alam kung isang kang bulag o bingi
Para hindi makita't marinig ang aking pagtili
Kapag tayo'y nagkakalapit sa 'di inaasahang sandali

Mahal naman kita
Pero bakit hindi mo maisukli
Ang pagtinging aking hinihingi?
Hindi naman ako mahirap mahalin
Aking aayusin ang ayaw mo sa akin

Isa daw akong dakilang martyr
At isa ka namang dakilang manhid
Paano na lang uusad ang pag-ibig
Kung ayaw mo saking makinig?

Ipinagsigawan ko na sa mundo
Ngunit pinili mong 'wag ito
At sa pinakahuling pagkakataon
Ibubulong ko ulit ito sa'yo,
Mahal na mahal kita pero masakit na

TulaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora