Kung

1.5K 26 0
                                    

Kung napapagod ka na,
Pwede ka nang sumuko
Kung nahihirapan at naguguluhan na,
Pwede ka nang lumayo

Kung napapagod ka nang maghintay
Maging malaya kang maglakbay
Ng walang inaantay na kahit na sino
Dahil mas gugustuhin ko ring
Magkita kang malaya't masaya
Kahit pa sa piling ng iba

Kung hindi mo na ako kayang intindihin pa
Hindi na kita hahayaang manatili pa
Paulit-ulit akong sinasaktan ng realidad
Na ibinabato sakin ng mundo tungkol sa'yo
Na hindi lang sakin umiikot ang buhay mo

Pasensya ka na dahil lagi akong nasasaktan
Sa mga tingin mo na sana'y mga tinig mo
Pasensya ka na kung hindi sapat ang presensya mo
Upang alisin ang lungkot na dulot mo

Patawarin mo sana ako kung tinutulak kita palayo
Dahil minsan mas mabuti ng ako ang lumayo
Para hindi na akong muling masaktan pa
At para hindi ka na mahirapan pa

Tulaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن