Pwede pa

1.3K 20 1
                                    

Kapag nagkita ba tayong muli
Titignan mo pa rin ba ako tulad ng dati?
Lilingon ka ba
Kapag nalagpasan na kita?
Isigaw mo bang muli ang pangalan ko
Na para bang ito ang pinakamagandang salita sa mundo?

Kasi kung oo,
Titignan pa rin kita tulad ng dati
Kailanman ay hindi nawala ang pag-tingin sa'yo
Kahit dati'y inabot na ng dulo

Lilingunin pa rin kita
Kahit ilang ulit ka pang dumaan saking harapan
Kahit ilang ulit mo akong lagpasan
Aaralin ko bawat detalye ng iyong likuran
Hanggang sa tumigil ka naman sa'king harapan

Kung hindi ka pa lumingon
Isisigaw ko na ang pangalan mo
Hindi man ito ang pinakamagandang salita sa mundo
Patuloy ko pa ring sasambitin ito

Kung hindi,
Hindi ko na ipipilit na pwede pa
Sa muli nating pagkikita
Hindi na kita titignan
Hindi na ako lilingon pa't
Isisigaw ang iyong pangalan

TulaWhere stories live. Discover now