Paglisan

2.8K 27 0
                                    

Naramdaman mo na ba
Yung takot na mawalan
Na sa bawat pagpatak ng oras
Maaaring na siyang lumisan

Ang kaba na hindi mawala-wala
Sa tuwing nakikitang nagdurusa siya
Dahil sa sakit na kanyang nadarama
Na dahilan ng hindi niya paglaya

Natatakot akong lumisan siya
Ngunit ayoko ng nahihirapan siya
Lalo na't alam kong 'di niya na kaya
Tanggap ko na ang paglisan niya

Hindi ko na siya makakasama
Sa susunod na paglubog ng araw
Ngunit alam kong nasa tabi ko siya
Sa oras na ipikit ko ang aking mga mata

Siya'y naririyan sa lahat ng pagsubok
At labang maaari kong harapin
Ang aking gabay at inspirasyon
Sa mga daang aking tatahakin

TulaWhere stories live. Discover now