Natagpuan

1.5K 10 0
                                    

Pag-ibig ang damdaming nais makamtan ng mundo
Kaya't ako ay naghanap,
Nagbabaka sakaling may matagpuan
Hanggang sa maintindihan ang uri ng pag-ibig na nais kong maramdaman
At aking natuklasan ang pag-ibig sa pagitan ng pagkakaibigan
Sa pagitan ng mga taong pinagbuklod ng kalawakan
Pag-ibig na ipapaunawa sa'yo ang halaga ng pamilya
At magpupuno sa pag-ibig na pilit mo pang tinutuklas

Napakahirap hagilapin ng ganoong uri ng pag-ibig
Ngunit sa puso mo't sa puso ng mga taong hinirang mong kaibigan,
Ito ay natagpuan ko
Natuklasan ko ang hiwagang bumalot sa pagkatao mo,
Isang pusong napakabusilak na nagpapasaya't nagpapanatili sa mga minamahal niya
Pusong laging handang tumanggap at magpatawad

Ito marahil ang isa sa pinakamakahulugang pagkatuklas na hindi nailahad sa kasaysayan
Mga ninuno'y walang iniwang mga bakas sa kung saan matatagpuan
Ang mga taong hihirangin mong kaibigan
O kaya'y isang sulating makapagbibigay ng sagot sa lahat ng tanong ng sangkatauhan
Kaya mapalad ako't agad kong naintindihan ang kahulugan ng pagkakaibigan
Sa ating pagtatagpo nagsimula ang panibagong yugtong paulit-ulit kong babalikan

TulaWhere stories live. Discover now