Bahaghari

3.4K 32 1
                                    

Darating ang mga unos
Baha, bagyo man kung dumaan
Parang hindi matapos-tapos
Ngunit mayroon kang matatagpuan

Sa dulo ng pagbuhos ng ulan
May pag-asang naririyan
Pangako mula sa nakaraan
Patuloy nating pinanghahawakan

Hango sa kwento ng bibliya
Pag-asang mula sa bahaghari
Na nagsisilbing patunay
Sa lahat ng kadakilaan Niya

Sa bawat paglabas ng bahaghari
Laging mayroong pag-asang
Mula sa Hari ng mga Hari
Kailanman 'di ka pababayaan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon