Rebolusyon

6.3K 87 9
                                    

Pilipinas
Demokratikong bansa
Pilipino'y malaya
At Marcos, pinili ng madla
Sa pamumuno nitong bansa

Tayo ay umunlad
Ngunit tayo'y binaliktad
Madungis na serbisyo ating natamo
Ikinulong ang walang sala
Hindi pwedeng tumakas
Tayo'y walang kawala

Ilang buhay ang ibinuwis
Ng mamamayang puno ng hinagpis
Batas militar na idineklara
Habeas corpus na nawalan ng bisa

Ito ang republikang
Nagpaunlad sa bansa
Ngunit sumira sa sariling madla
At pinatay ang pag-asang lumaya

Pilipino'y muling nagkaisa
Bumangon sa bangungot
Na dulot ng republika
Kumawala sa kadenang
Pumigil sa kanyang
Ipaglaban ang kalayaang
Dapat ay natatamo nya

Naganap ang rebolusyon
Ang pinakamakasaysayang rebolusyon
Na binago ang kasaysayan ng ating panahon
At ibinalik tayo sa tamang lokasyon
Ang lokasyon kung san tayo naroroon
Sa Perlas ng Silanganang itinakdang makamtam
Ang tunay na kalayaan

TulaМесто, где живут истории. Откройте их для себя