Isang tinig

2K 22 1
                                    

Takot ay bumabalot sa nakararami
Sa krisis na kinakaharap ng bayan
May lumalaking puwang na nabubuo
Sa pagitan ng gobyerno't mamamayan nito

Pangulo'y sinisi sa nangyayaring gulo
Juan, naririnig mo ba ang sarili mo?
Dumadagdag ka pa gulo ng bayan mo
Isa ka ring Pilipino tulad ng pangulo

Lahat tayo'y nagnanais ng kapayapaan
Sa kabila ng digmaan sa Mindanao
Sana'y manatili ang iisang tinig ng Pilipino
Nang maibalik ang kalayaang ninakaw

Mananatiling asul ang nasa ibabaw
Hangga't nagkakaisa ang mga Pilipino
Ang Pilipinas ay mananatiling malaya
Sa sinong mang nais sakupin ito

Kaya Juan huwag mo ng sisihin ang iba
Ang mga problema ng bayan
Ay problema ng bawat Pilipino
Huwag ng ilayo ang sarili
Sa kalayaang nais ng bayan mo

Halina't makiisa ka sa tinig ng pagbabago
Sa tinig na magpapalaya sa'yo
Mula sa mga hinaing ng puso mo
Isang tinig na nagbubuklod sa'ting mga Pilipino

TulaWhere stories live. Discover now