Ulan

1.8K 28 2
                                    

Hindi lahat ng kwento sa ilalim ng ulan
Ay puro na lang kalungkutan
Mayroon ding mga kwentong magsisimula pa lang
Sa unang patak ng matinding pagbuhos ng ulan

Nakita kitang muli sa ilalim ng parehong ulan
Kung saan tayo naghiwalay at nagpaalam
Bumilis ng tibok ng puso ko
Kinakabahan o baka naman nasisiyahan
Alin man sa dalawang iyon
Umaasa pa rin akong bibigyan tayo ng pagkakataon

Hindi ko mapigilan ang pagtalon ng puso
Sa sandaling nahuli kitang nakatingin
Naghilom na lahat ng sugat na iyong iniwan
Wala na akong maramdaman na sakit
Ng minsan mo akong pinagpalit

Nakahanap ng daan ang pagpapatawad
Muli ng pinupunan ang mga puwang
Kung saan dating nanahan ang sakit
Mula sa nasirang pag-iibigan

Kalungkutan man ang parating hatid ng ulan
Mayroon pa ring saya sa bawat lungkot
May paglimot sa lahat ng sakit
May paglaya sa bawat pait
Sa ilalim ng malakas na pagbuhos ng ulan
Muli kitang natagpuan

TulaМесто, где живут истории. Откройте их для себя