Yakap

2K 14 12
                                    

Sana hindi na bumitaw
Hindi na kumalas pa
Hindi na lumuwag
O kaya'y humigpit

Tama lang
Sapat para madama ang pagmamahal
Yakap na sana'y araw-araw
Mananatiling nadarama

Bakit parang sumisikip?
Hindi ako makahinga
Parang gusto kong kumawala
At tuluyang bumitaw

Bakit parang bumibigat?
Parang nagiging bakal ang pagmamahal
Unti-unting humihigpit
At parang tuluyan akong kinukulong

Bakit humihigpit?
Natatakot ka na ba na ako'y kumawala
Kaya't yakap mo'y nagmistulang hawla
Na patuloy akong kinukulong sa mga bisig mo?

Yaong yakap na dating puno-puno ng pagmamahal
Ay napalitan ng rehas at kadenang ayaw kang pakawalan
Nakakasakal
Kaya gusto ko na lang bumitaw

TulaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora