Karanasan

3.4K 34 2
                                    

Natuto ako sa karanasan ng iba
Mula sa mga pighati't luha nila
Sa mga kilig at sayang nadarama
Hanggang sa mga ala-alang binago sila

Lahat ng iyon ay aking natutunan
Sa pagmamasid at pagbabasa
Aking nadama sa pag-iisa
Yaong dulot ng pag-ibig
Na nagbigay buhay sa kanila

Ngunit pag-ibig rin pala
Ang tanging wawasak sa kanila
Kaya't pinili kong magmasid
Kaysa madama ang saya't sakit
Nitong dulot sa buhay nila

Walang taong nais masaktan
Ngunit lahat ay naghahangad ng kasiyahan
Kaya mas minabuting kong matuto na lang
Mula sa kanilang mga naging karanasan

TulaWhere stories live. Discover now