Chapter Two

11.2K 356 11
                                    

Jemimah

Panay lang ang papak ko sa sisig na in-order namin para sana pampulutan. Kaso busy sila sa dancefloor kaya pinapak ko na lang.

"Sayaw kayo!" tawag sa amin ni Sir Edwin. Kami na lang kasi ni Richiel ang naiwan sa mesa habang nagsasayaw naman ang iba naming kasama. Halos dalawang oras na kami dito pero mas pinili kong maupo na lang.

Umiling ako sa alok ni Sir. "Kayo na lang!" sigaw ko.  Ang lakas kasi ng hard beat music mula sa mga sound systems kaya hindi kami magkarinigan. May sinabi pa si Sir pero hindi ko na naintindihan hanggang sa makaalis siya pabalik sa dancefloor. Napailing na lang ako.

"Alam mo, Jem? Galante ka nga pero ang KJ mo naman," maktol ni Sir Edwin nang umupo siya kasama sina Aldrin na nagsayaw din kanina. Soft romantic beat naman kasi ang pinapatugtog kaya naupo na sila.

Napatawa na lang ako. "Hindi lang ho talaga ako mahilig sumayaw," dahilan ko naman.

"Nakaka-bitter ang kanta. Ang hirap ng walang dyowa," komento naman ni Alma sabay inom ng beer. Especially For You kasi ang tinutugtog ng Dj at puro magkakapareha na ang nagsasayaw sa dancefloor.

"Sagutin mo na kasi ako para hindi ka na ma-bitter," malanding sabi naman ni Kenneth kay Alma saka inakbayan.

"Yuck! Kung ikaw lang naman ang magiging dyowa ko, wag na lang. Mas gugustuhin ko pang maging single kesa makasama ang babaerong kagaya mo!" angal naman ni Alma sabay layo kay Kenneth.

Napatawa na lang ako. Noon pa   lang sadyang naglolokohan na silang dalawa. Buti na lang nagtagal pa sila sa Metro. Kaso ang ilan sa amin noon wala na doon.

"Ikaw, Jem? Hindi ba magagalit boyfriend mo dahil kasama mo kami?" tanong naman sa akin ni Sir Edwin.

Napakamot naman ako sa pisngi ko. "W-wala po akong boyfriend, Sir." Kasi girlfriend ang hinahanap ko.

Wala naman silang ideya sa gender preference ko. Palibhasa kasi madaming nanligaw noon sa akin sa Metro pero wala akong ni isang sinagot sa mga iyon. Nakatuon na kasi ang buong atensyon ko sa babaeng katabi ko ngayon.

* * *

Richiel

Hindi ko mapigilang lihim na mapangiti dahil sa sinabi ni Jemimah. Wala siyang boyfriend. Ibig sabihin ba niyon may pag-asa pa ako sa kanya?

Nagalit ako sa kanya noon. Hindi dahil sa halik kundi dahil basta na lang siyang umalis. Alam kong pareho kaming nabigla sa nangyari. Nakainom kami noon at wala na sa sarili.

Tinignan ko si Jem na abala sa pagtitig sa baso ng beer. Napansin ko kasi na hindi niya masyadong ginagalaw ang inumin niya. Naka-ilang bote na kami nina Sir Edwin pero siya ay isang bote pa lang. Pansin ko rin na ilang siya sa akin. Ako rin naman. Ang awkward ng sitwasyon namin ngayon.

Limang taon din iyon. Limang taon ko din siyang hindi nakita. Buti na lang at friends kami sa Facebook kaya kahit papaano ay nasusubaybayan ko siya. Kapag nami-miss ko siya tumitingin lang ako sa picture niya na naka-save sa gallery ko.

Ewan ko ba. Hindi naman ako ganito pagdating sa kapwa ko babae. Pero nang dumating si Jemimah sa Metro, nagbago bigla ang pananaw ko. Nakakatibo naman kasi ang ganda ni Jem. Kahit nga ang lesbian na CI ng Metro nanligaw din sa kanya. Akala ko talaga straight siya. Hanggang sa nangyari ang halik na iyon sa pagitan namin.

"Ikaw, Rich? Saan ka tutulog?"

Napalingon ako kay Sir Edwin nang magsalita siya. Napakurap ako saka uminom ng beer. Masyado na akong nagre-reminisce.

"Baka ho dumiretso na ako ng Sariaya. Wala kasi ngayon si Maika sa boarding house niya," sagot ko. Wrong timing naman kasi ang uwi ng babaeng 'yon sa bahay nila sa Candelaria. Wala tuloy akong matuluyan ngayon.

"Bakit hindi kina Jemimah muna? Diyan lang naman sa Palmville ang bahay mo di ba, Jem?" suggest ni Sir Edwin.

Bigla akong napaayos ng upo dahil doon kaya napatingin ako kay Jem. Kahit siya ay nagulat din.

"Okay lang ba sa 'yo, Jem? Mahihirapan kasi bumiyahe si Richiel lalo't gabi na," sabi pa ni Sir Edwin.

"Okay lang. Mag-isa lang naman ako sa bahay," sagot ni Jem saka tumingin sa akin. "A-ayos lang ba sa 'yo?" tanong naman niya sa akin.

Wala naman akong mahanap na sasabihin kaya tumango na lang ako. Chance ko na rin iyon para makausap siya.

* * *

Jemimah

"Hintayin mo ako dito saglit. Aayusin ko lang ang kuwartong gagamitin mo," sabi ko kay Richiel nang makapasok kami dito sa bahay ko sa Palmville. Alas-dos na rin kasi ng madaling-araw at mahihirapan lang siyang bumiyahe kung uuwi pa siya ng Sariaya.

"S-sige," sabi naman niya saka naupo sa sofa. Nagmadali naman akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ko at kaisa-isahang guestroom.

Mabilis kong tinanggal ang plastic na naka-cover sa kama para hindi basta-basta madumihan. Buti na lang talaga at napalitan ko na ang bed cover, punda ng unan, at comforter kahapon kahit hindi naman nagamit. Nakukulob kasi ang kumot lalo na pag matagal na natakpan ng plastic. Binuhay ko na rin ang aircon para pagpasok ni Richiel ay komportable siya. Nang masiguro kong ayos na ang kuwarto ay lumabas na ako para tawagin si Richiel. Pero nagulat ako nang makita ko siya sa labas ng pinto habang hawak ang nagri-ring kong cell phone.

"M-may tumatawag sa 'yo," nakatungong sabi niya sa akin saka inabot sa akin ang aparato.

"S-salamat. O-okay na ang kuwarto mo," nauutal kong sabi pagkakuha sa aparto sa kamay niya na tumigil na sa pag-ring.

At muli, dumampi ang mainit niyang palad sa kamay ko. At muli na namang sumikdo ang puso ko. And it makes me want to kiss her right here right now!

"M-magpahinga ka na. Alam kong pagod ka na," mabilis na sabi ko saka naglakad palayo.

Katakot-takot na lakas ng loob ang kinailangan ko para hindi gawin sa kanya ang iniisip ko. Lintek kasi na alak na yan! Lagi na lang akong nawawala sa sarili pag nasa sistema ko na.

I need to breathe for a while. And think properly. I don't want to do the same mistake again.

* * *

See You Again (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon