Chapter Sixteen

6.5K 221 3
                                    

Richiel

Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos salansanin ng maayos ang mga gamit sa showcase. Sobra kasing makalat dito. Nakakahiya kapag nakita ng store manager na magulo ang Stationery. Tapos na rin kaming mag-ayos ng school supplies dito sa third floor. Next week ay maglalagay naman kami ng mga school supplies sa second floor at ground floor. Puspusan na ang paghahanda namin para sa darating na sale ng Metro.

Kung noon ay nae-excite pa ako kapag malapit na ang sale kasi paniguradong madami akong mabebenta, ngayon ay para akong tanga kung magmasid ako sa paligid. Kahit naman kasi may mga bantay ako na nandiyan lang sa paligid, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapraning lalo na't sobrang dami ng tao ngayon. Pakiramdam ko kasi nandito lang sa paligid si Danica.

"Richiel."

Napatalon ako dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Sir Edwin. Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko dahil sa kaba. Bakit ba kasi ang hilig niyang sumulpot sa kung saan?!

"Oy, relax! Ako ito," nag-aalalang sabi niya saka hinagod ang likod ko. Pakiramdam ko kasi iiyak na ako dahil sa takot.

"W-wag mo na uli gawin 'yon, Sir. Natatakot na ako," nanginginig kong sabi sa kanya saka umupo sa isang kahon na may lamang ilang bundle ng bond paper.

"Sorry na. Akala ko kasi nakita mo akong paparating kaya tinawag kita. Sorry talaga," sabi naman niya. "Dapat talaga hindi ka na muna pumasok. Hindi ka pa okay."

"Okay pa ako, Sir. Praning lang ako masyado," sabi ko naman saka napakamot sa ulo.

Hindi ko na yata kaya pang magkunwari na ayos lang ako. Kinakain na ng takot ang buong sistema ko.

"Pumunta ka na muna sa locker at magpahinga. Stressed ka na masyado. Sabihan ko lang si Allejo na samahan ka doon."

Tumango naman ako. Iyon din naman ang iniisip ko kanina pa. Tinapos ko lang ang mga dapat kong ayusin bago ikulong ang sarili ko sa locker room.

Nahilot ko ang sentido ko habang naglalakad. Sumasakit na naman ang ulo ko. Ang dalas ko nang maramdaman ito simula noong aksidente. Iinom na lang ako ng gamot pagkarating ko sa locker.

Pero hindi pa ako nakakalayo sa Stationery nang tawagin ako ni Erin na nasa gift wrapping section kaya pumunta ako doon.

"Ayos ka lang? Namumutla ka, bes," nag-aalalang tanong niya sa akin.

Nginitian ko naman siya ng tipid. "Magiging okay din ako. Napapraning lang ako masyado," sabi ko naman sa kanya.

"Huwag ka na kasing magkape. Dinadagdagan lang niyon ang niyerbiyos mo sa katawan."

Napatawa naman ako ng mahina. "Tatandaan ko 'yan. Akyat na ako," paalam ko sa kanya.

"Sure! Makikisabay ako sa inyo ni Jem mamaya, ha? Gipit me sa pamasahe, eh."

"Sige. Sabihan ko si Jem."

"Ayiiee! Thank you, beshie!"

Tumawa na lang ako saka umalis na. Dumali na naman ang pagiging kuripot niya.

"Richiel, tabi!"

Natigil ako sa paglakad dahil sa sigaw na iyon ni Sir Edwin. Huli na nang ma-realize ko kung ano ang ibig sabihin ng isinigaw niya. Hindi na ako nakailag nang bumangga sa akin ang isang malaking pushcart na puno ng mga karton dahilan para mahulog ako sa escalator at gumulong pababa.

Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang isang bagay na nakita ko bago ako tuluyang nahulog. Ang nakangising mukha ni Danica.

* * *

Jemimah

Magkakasunod na pinagsusuntok ko ang pader pagkatapos kong makita ang kondisyon ni Richiel na walang malay habang nakahiga siya sa hospital bed.

Goddammit! Dapat talaga dumating ako ng mas maaga para nailigtas ko siya kahit papaano.

"Jemimah, enough! Walang magagawa ang pagsuntok mo diyan sa pader. Kahit pumutok 'yang kamao mo o mabutas mo man iyang pader, hindi magigising si Richiel!"

Pero hindi ako tumigil. Gusto ko lang ilabas ang galit at stress ko dahil sa mga nangyayari. Natigilan lang ako nang marahas akong hinila ni Eunice palayo sa pader at malakas na pinatamaan ng upper cut ang pisngi ko. Dahil doon kaya napahandusay ako sa sahig habang umiikot naman ang paningin ko.

I never knew Eunice could throw a punch like that. Pakiramdam ko namanhid ang buong mukha ko dahil sa suntok niyang iyon.

"Could you just fix yourself up and try to be mature?! Kailangan ka ni Richiel ngayon at hindi makakatulong sa kanya ang pagwawala mo! Umayos ka nga!"

Napailing na lang ako habang inaalalayan ako ng dalawang nurse sa pagtayo. Hindi ko pa rin kasi matanggap na nangyayari ito sa babaeng mahal ko. Na nangyayari ang lahat ng ito dahil sa akin.

"Think straight, Jemimah. Kailangan mong mag-focus para maresolba mo ang problemang ito. Huwag mong hayaan na mangibabaw ang emosyon mo. Nandito kami—"

Hindi na natapos ni Eunice ang sasabihin niya nang may tumulak sa kanya paalis sa harap ko at may kamay na nagpakawala ng isang malutong na sampal sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko nang salubungin at ng nanlilisik na mga mata ni Tita Rosa. Ang nanay ni Richiel.

"Huwag ka nang makalapit-lapit pa sa anak ko simula ngayon kung ayaw mong isumpa kita!" sigaw niya sa akin saka nagtuloy sa private room ni Richiel kasunod ang asawa at mga kapatid ni Richiel na pare-parehong masama ang pagkakatingin sa akin.

Marahas na napasabunot ako sa buhok saka sunud-sunod na bumuntong-hininga. Ano na ang gagawin ko? Mawawala si Richiel sa akin. Hindi ko yata kakayanin iyon.

"You better move now, Jem. Fast. Baka tuluyan nang mawala si Richiel sa'yo."

Hindi na kailangan pang ulitin ni Eunice ang sinabi. Mabilis akong tumayo mula sa kinatatayuan at lumabas ng ospital.

Gagawin ko lahat para maibalik ko ang tiwala ng pamilya ni Richiel sa akin.

Richiel is my everything. And I am going to do my best to have her back.

* * *

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz