Chapter Fourteen

6.9K 222 7
                                    

Jemimah

Pinakatitigan ko lang ang hawak na invitation para sa Valentines Day event ng dati kong school noong high school. Kinukuha nila akong special guest para sa event.

Bakit ba sila nag-aabala pang imbitahin pa ako? Hindi na nga ako uma-attend ng pa-Christmas party nila tapos ito pa? Alam naman ng Academy ang dahilan kung bakit hindi ako bumabalik doon. My memories on that school brings pain in my system. Kaya nagtataka ako kung bakit pa nila ipinagpipilitan ang imbitasyon doon kung alam naman nilang hindi ako pupunta.

"Aggressive masyado ang manliligaw mo, ah. Ilang invitation na ba nila ang hindi mo pinansin?"

Hinawakan ko ang braso ni Richiel na nakayakap sa balikat ko saka bumuntong-hininga.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto nila sa akin. Pero sigurado naman na hindi ako pupunta," sabi ko saka itinago na ang invitation card.

"Bakit nga ba ayaw mong pumunta doon? May nangyari ba?"

Huminga ako ng malalim saka hinila siya papunta sa harap ko dahilan para umupo siya sa kandungan ko. "Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo?"

Napatawa ako. "Bakit parang hindi ka sigurado?"

"Kasi parang masama ang kutob ko?"

Nakangiting napailing na lang ako saka hinalikan siya sa tungki ng kanyang ilong. "Edi, hindi ko na lang sasabihin sa 'yo."

"Jemimah naman."

"Bakit? Sabi mo masama ang kutob mo."

"Gusto ko pa ring malaman."

Napailing na lang ako saka iniupo siya sa tabi ko tapos humarap ako sa kanya. "Madami kasi akong kaaway doon. 'Yong iba galit sa akin dahil sa pagiging lesbian ko."

Sumimangot naman si Richiel. "Ang babaw nila, ha," komento niya.

Nagkibit lang ako ng balikat. "Lucban Academy is a private school. Scholar lang ako kaya nakapasok ako doon. Simpleng pagkakamali mo lang huhusgahan ka na. Kaya nga walang kumaibigan sa akin noon kasi ipinagkalat ng naturingan kong kaibigan kung ano talaga ako para sa ikasisikat niya. Impiyerno ang buhay ko doon. Kahit ang mga guro doon hinuhusgahan ako. Hindi rin ako pinag-speech noong graduation kahit ako ang valedictorian. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa school na 'yon. Kaya nagulat ako nang padalhan nila ako ng mga invitation simula nang makapasa ako ng bar exam. Akala yata nila nakalimutan ko na ang ginawa nilang pangdi-discriminate sa akin. Kaya kahit gaano pa karaming invitation ang ipadala nila sa akin, hindi nila maaasahan ang presensya ko. Mahirap kalimutan ang ginawa nila sa akin. Kaya kahit kailan ay hindi ko nababanggit ang school na 'yon."

Bumalik na naman ang mga alaalang hindi ko na yata makakalimutan. Kung paano nila ako pandirihan. Kahit ang mga guro na siyang dapat prumotekta sa akin, masama din ang tingin sa pagkatao ko.

"Jemimah..."

"Binalak ko ring mag-suicide noon one week bago ang graduation. Hindi ko na kasi kaya. Noong time na magbibigti na ako pinigilan ako ni Dustin. Ipinaliwanag niya kung ano ang mawawala sa akin pag tinuloy ko ang balak ko. Sinabi din niyang matutuwa pa ang mga taong humuhusga sa akin kung mamamatay ako. Na dapat ipakita ko sa kanila na balewala lang sa akin ang panghuhusga nila. At ang isang bagay na nagpatatag sa akin noon? Nang sabihin sa akin ni Dustin na kailangan niya ako."

Hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulhol. Ang sakit pa rin talaga kapag nauungkat ang parteng iyon ng nakaraan ko. Pero kailangan din namang malaman ni Richiel. Ang dami pa niyang hindi alam tungkol sa akin. Ito na rin ang tamang panahon para makapag-open up sa kanya para makilala pa niya ako.

Naramdaman ko na lang na yakap na ako ni Richiel.  Dahil doon kaya lalo akong napaiyak. Kahit gaano pala ako katapang harapin ang mga kalaban ng mga kliyente ko sa korte, nandito pa rin ang pagiging mahina ko. Takot pa rin kasi akong harapin ang nakaraan ko. Isang madilim na nakaraan na hindi ko na makakalimutan.

"Nandito lang ako, Jem. Handang makinig at umalalay sa 'yo."

Mahigpit ko siyang niyakap at sumubsob sa dibdib niya. "There's still so much you don't know about me, Rich. Baka mawala ka sa akin kapag nalaman mo lahat," bulong ko.

"Try me."

Bahagya akong lumayo sa kanya para titigan siya sa mga mata. Nandoon ang determinaayon niyang malaman ang lahat. Pero sa kabila niyon ay ang pagmamahal niya para sa akin. Hinalikan ko siya sa labi saka muling tumitig sa kanyang mga mata.

"Nakapatay ako noon. At hindi ko pinagsisisihan iyon."

* * *

Richiel

Para akong naka-drugs kasi maghapon nang lutang ang pag-iisip ko pagkatapos sabihin sa akin ni Jemimah ang bagay na hindi ko lubos maisip na magagawa niya. Dahil doon kaya hindi ako maka-focus sa trabaho. Nag-decide na lang ako mag-under time kasi hindi ko na rin naman magawa ng maayos ang trabaho ko. Buti na lang pinayagan ako ni Sir Edwin kaya nakalabas ako.

Gusto ko malaman lahat. Lahat ng nangyari noon kaya niya nagawa ang bagay na 'yon. Pero biglang may dumating na bisita kaya hindi na niya nasabi sa akin ang dahilan.

Kailangan kong malaman lahat para maintindihan ko siya. Kahit kulitin ko siya ng kulitin sa katatanong tu—

"Richiel!"

Nagising lang ako sa katotohanan nang maramdaman ko ang sakit sa braso, binti, at tagiliran. Pero ang gumalantang sa akin ay ang makita si Jemimah na nakahandusay sa gitna ng kalsada.

Hindi ko na inintindi ang sakit sa paa ko at tumakbo palapit kay Jem. May malay siya pero mababakas sa mukha niya ang matinding sakit.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin kahit namimilipit na siya sa sakit. Kung wala lang siyang dinaramdam baka nasapak ko pa siya.

"Nasaktan ka na't lahat pero tinanong mo pa kung ayos lang ako?! Paano kung napuruhan ka pa? Magtatanong ka pa?!" naiiyak na sermon ko sa kanya. Nakakainis lang.

"Okay. Okay. Sorry. Stop crying now, please?"

Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Nandito na rin kasi ang ambulansyang tinawag ng kung sino. Nagulat pa ako nang makita ko si Eunice na tumatakbo palapit sa amin.

"Nakita ko kung ano ang nangyari. At magugulat kayo kung sino ang driver ng kotseng sumagasa kay Jem," hinihingal na sabi niya.

"S-sino?" kinakabahang tanong ko kahit kinukutuban na ako.

"Si Danica."

* * *

Edi shing! Ha-ha!

–Jamie ^^

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now