Chapter Twenty

6.8K 217 3
                                    

Jemimah

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkakita sa taong naging dahilan ng paghihirap ko noon.

Maayos na ang buhay ko, eh. May maganda akong trabaho. May matagumpay na negosyo. At may isang tao na tanggap at mahal ako.

Pero ano ito? Pagkatapos ng sampung taon, basta-basta na lang siyang magpapakita sa amin na parang walang nangyari?

"J-Jemimah, anak—"

"Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na anak!" sigaw ko sa kanya saka tinabig ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

"P-pero—"

"Bakit ka pa bumalik?! Bakit ngayon pa kung kelan masaya na kami?"

"G-gusto ko lang sanang magpaliwanag..."

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Magpaliwanag? Wow! Big word! Hindi pa ba sapat na paliwanag iyong basta mo na lang pang-iiwan sa amin ni Dustin pagkatapos ng mga nangyari?! Iyong pagbubulag-bulagan mo?!"

Ang lahat ng nangyari noon, lahat ng paghihirap na dinanas ko sa live-in partner niya, lahat iyon naaalala ko na naman na para bang kahapon lang nangyari.

Puro sampal, suntok, panghahampas ng sinturon, ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko sa bawat poste ng kama, iba't ibang klase ng laruan, panggagahasa sa mura kong katawan, at ang pambabalewala sa akin ng sarili kong ina habang nangyayari sa akin ang lahat ng iyon. Lahat ng iyon parang bombang sumabog sa harapan ko. Ang nakaraang pilit kong kinakalimutan.

Pero heto sa harapan ko ang mismong tao na tumalikod sa amin noon. Ang taong hindi ko mapapatawad.

"A-aminin ko, n-naduwag ako noon. H-hindi ko kasi alam kung paano siya mapipigilan. P-pilit niya kasing ipinapamukha sa akin ang mga bagay na ginawa niya para sa atin. P-pinagbantaan din niya ako na kung hindi ako susunod sa gusto niya, sa k-kalsada na tayo titira. P-patawad, anak..."

"Sana man lang lumaban ka. Sana nagpaka-ina ka na lang!" sigaw ko saka pinunasan ang luha kong hindi matigil sa pagtulo. "Eh, ano naman kung sa kalsada tayo nakatira? Hindi ba't doon na din naman tayo galing bago pa man tayo kupkupin ng hayop na 'yon? Kaya ko naman nang dumiskarte sa buhay noon, ah. Kaya ko nang buhayin tayong tatlo nang hindi nakadipende sa kanya. Kung nagtiwala ka lang sa akin noon na kaya ko, wala tayo sa sitwasyong ito ngayon," puno ng hinanakit na sabi ko saka umiling-iling.

"J-Jemimah..."

"Nagpadala ka sa ambisyon mong magkaroon ng maginhawang buhay. Nang makilala mo ang Amerikano'ng iyon at sinabing hindi niya kami gusto, hindi ka nag-alangang iwan kami at basta ka na lang sumama sa kanya. Walang lingon-likod. Doon ko lang napatunayan na mas mahalaga pa sa 'yo ang magkaroon ng masaganang buhay kesa ang makasama kaming mga anak mo. Pinatunayan mo sa akin na wala kaming halaga sa 'yo. Pinangalandakan mo pa ang pagiging walang kuwenta mong ina."

Isang malutong na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ko. Nanuot ang init at hapdi doon. Pero wala iyon kumpara sa sakit na ipinaranas niya sa akin noon mapagpahanggang ngayon.

"P-pasensya na, anak. H-hindi ko s-sinasadya. N-nabigla lang ako..."

Mabilis akong lumayo sa kanya nang tangkain niyang lumapit sa akin. Pakiramdam ko nandidiri na ako sa kanya.

"Noong mga oras na iyon nang iwan mo kami ni Dustin, itinatak ko na sa sarili ko na wala na akong ina. Kaya huwag mo akong tawagin na anak. Ikaw mismo ang nagtanggal ng karapatang iyon nang magdesisyon kang talikuran kami. Umalis ka na kung ayaw mong ako mismo ang magtutulak sa 'yo paalis."

Pambabastos man kung tawagin pero kailangan kong gawin. Hindi ko pa rin talaga siya mapapatawad sa mga ginawa niya. Hindi ko naman kasi basta-basta matatanggal ang mga hinanakit ko sa kanya.

See You Again (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon