Chapter Eighteen

6.5K 249 3
                                    

Richiel

Dala ang kape ay pinuntahan ko si Jemimah sa mini office niya. Naabutan ko siyang tutok na tutok sa laptop niya at maya't maya ang type.

Ngayon ko lang napansin ang suot niyang salamin sa mata. At aaminin kong lalo siyang sumeksi dahil doon. Sa ilang linggong paninirahan ko sa iisang bubong kasama siya, ngayon lang siya nagsuot ng salamin. Lumabas kasi ang pagiging strikta niya dahil doon.

Napabuntong-hininga ako saka tinignan ang kape. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagpayag ng magulang ko na muling makasama si Jemimah. Kung hindi lang kasi siya dumating at tinulungan si nanay, malamang wala na akong ina ngayon. Bukod kasi sa inatake si nanay ng heat stroke, inatake na din pala siya sa puso ng mga oras na 'yon. Salamat kay Jemimah at buhay pa si nanay ngayon.

"Utang ko kay Jemimah ang buhay ko. Kung ang makasama siya ang magpapasaya sa 'yo, sino ba naman ako para ipagkait ang kaligayahan mo? Kita ko naman na mahal na mahal ka niya. At hindi siya perpekto para magawa ang mga imposible. Pero sigurado akong aalagaan ka niya at poprotektahan. Ipangako mo lang sa akin na magiging ligtas ka. At magkuwento ka sa amin ng tatay mo kapag may problema ka. Nandito kami palagi para makinig. Tandaan mo 'yan, anak. Mahal ka namin."

Siguro nga ako lang talaga ang iniisip nila ng mga panahong inilayo nila ako kay Jem. Buhay ko na kasi ang nakataya kaya ganoon na lang ang pag-aalala nila para sa akin. Ngayon ko lang na-realize na nasasaktan din sila kapag nakikita nilang nasasaktan ako. At mahirap para sa kanila ang ginagawa kong pambabalewala ko sa kanila.

I should say sorry to them. And thank them at the same time for being there for me. Hindi talaga nila ako pinabayaan.

"A penny of your thoughts?"

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko ang mga braso na yumakap sa bewang ko at ang mukha ni Jemimah na gahibla na lang ang layo sa akin. Napansin ko rin na wala na ang hawak kong mug na may kape kanina lang.

"Sa lalim ng iniisip mo hindi mo namalayan na kinuha ko na ang hawak mo. Ano ba ang iniisip mo?" tanong ni Jemimah.

Ngumiti lang ako sa umiling. "Masaya lang ako kasi kasama na kita uli." Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Na-miss ko talaga siya.

"Me, too. You don't know how happy I am being with you again," nakangiting sabi niya saka dinampian ako ng halik sa labi. "Kamusta na nga pala si Tita Rosa?"

"Ayos na siya. Bumalik na uli sa dati ang sigla niya kaso ayaw na siyang pagtrabahuin ni tatay."

"Mabuti naman."

"Salamat, ha," sabi ko saka hinaplos siya sa pisngi. "Kung hindi ka lang dumating, baka wala na si nanay sa amin."

"What's important to you is important to me. I can't bear to see you get hurt for losing someone you love. I've been there, Rich. And I know the feeling."

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now