Chapter Six

9.4K 269 4
                                    

Richiel

"Di nga?! Si Jeanelle Montealegre ba talaga ito?!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Alma dahil sa pagsigaw niya. Natatawa na lang si Erin habang tinitignan ang mga picture sa cell phone ko kung saan kasama ko ang Masterpiece.

"Ang ingay mo!" suway ko sa kanya saka umayos ng upo. Nandito kasi kami sa canteen ng Metro para sa coffee break.

"Ang suwerte mo bes! Jeanelle Montealegre 'yan! Jeanelle Montealegre!" impit na tili ni Alma na parang kinikilig pa. Paano ba naman kasi? Eh, idol niya ang naturang bokalista.

"Paano ka nakapagpa-picture kay Jeanelle? At bakit kasama mo si Jemimah?" tanong naman ni Erin. Inagaw na kasi sa kanya ni Alma ang cell phone ko.

"Well, nagkataon lang na magkakilala sina Jeanelle at Jemimah. Nagpa-part-time dance coach kasi si Jem sa Masterpiece," sagot ko saka binawi na kay Alma ang cell phone ko. Mukhang ayaw nang bitawan, eh.

Nagulat talaga ako nang makita ko si Jeanelle Montealegre ng malapitan at kung mag-usap sila ni Jem parang close na sila. Iyon naman pala nagda-dance coach si Jem sa Masterpiece kapag kailangan. At kaya naman pala gusto siyang makausap ni Jeanelle kasi gusto siyang maging permanente na dance coach ng Masterpiece. Nagtaka lang ako kasi tinanggihan ni Jem ang offer kasi hassle daw sa trabaho niya kung magiging permanente siya sa Masterpiece.

Pero masaya ako kasi naka-bonding ko ang buong Masterpiece. Lalo na si Jeanelle Montealegre na sobrang down-to-Earth. Sobrang bait pa! Kaya nga nakapag-selfie pa ako sa kanila bago kami umalis ng Lucban. Fulfilled na ang isa sa mga pangarap ko. Ang makapag-selfie kasama ang Masterpiece.

"Ayan na! Lumutang na sa kalawakan ang lola! Oy, Rich! Tapos na break natin. Mamaya mo na isipin si Jem," bulyaw sa akin ni Alma na tinapik pa ako sa noo.

"Si Jem agad? Tss. Panira ka ng moment," angal ko naman.

"Tama na yan. Balik na tayo sa trabaho," pagitna ni Erin sa amin. Magkakasunod kaming lumabas sa canteen para dumiretso sa locker.

* * *

Napatingin ako sa wristwatch ko habang naghihintay sa may terminal ng jeep na biyaheng Sariaya. Kung normal na routine lang ang susundin ko, malamang kanina pa ako nakasakay sa jeep na iyon pauwi ng Sariaya. Pero iba na ngayon.

Napalingon ako sa isang pamilyar na sasakyan na kakaparada pa lang sa tapat ng Metrobank. Napangiti ako nang makilala ko kung sino ang bumaba mula doon.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya nang makalapit siya sa akin saka kinuha ang dala kong paperbag na pinaglagyan ng baunan ko.

Umiling ako. "Hindi naman." Sabay na kaming naglakad papalapit sa sasakyan niya.

"Puwede ba tayo pumasok sa loob sandali? Bibili lang ako ng groceries natin para sa bahay," sabi ni Jem pagkatapos naming ilagay ang mga gamit ko sa backseat.

"Sige. Walang problema," nakangiting sagot ko saka kinuha ang ID ko mula sa ID holder. Kailangan ko kasi iyong i-surrender sa guard na nasa main entrance ng mall para makapasok ako sa loob suot ang "off-duty" ID. Protocol na iyon sa mga empleyado ng Metro at para na rin hindi ako mapagkamalang naka-duty.

"Buti na lang hindi na ako nagtatrabaho dito. Di ko na kailangang magsuot ng off-duty," nakangising sabi sa akin ni Jem nang makapasok kami sa loob.

Pasimple ko siyang siniko sa tagiliran. Tumawa naman siya. Makaasar ito. Parang hindi niya ito ginagawa noon.

Naging busy na kami sa pamimili ng mga kailangan sa bahay. Inuna niya ang toiletries na kailangan kahit sanitary pad niya. Halos lahat yata ng klase ng karne sa meat section binili niya. Ang dami din niyang biniling mga prutas at gulay na halos pang-garden salad lang. Bumili din siya ng dalawang box ng Royal Wattamelon in can at ilang klase ng sitsirya. Napatigil lang ako sa isang stall kung nasaan ang Pringles at Piknik. Gusto ko sanang bumili kaso nagtitipid ako.

"Gusto mo?"

Gulat na napalingon ako kay Jem nang hawakan niya ako sa bewang. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa gesture niyang iyon. We're in a public place, for Christ's sake!

"H-hindi na," sagot ko saka nag-iwas ng tingin. Pinagtitinginan na kami dito!

"Bakit? Masarap kaya ito," sabi naman niya saka kumuha ng tatlong Pringles na iba't-iba ang flavor saka dalawang malaking size ng Piknik.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa akin para ilagay sa malaking cart ang kinuha niya.

"May gusto ka pa?" tanong pa niya sa akin.

"W-wala," sagot ko saka umiling.

"Sige. Bayaran na natin—"

"Aha! Sabi na nga ba!"

Pareho kaming napatingin ni Jem kay Sir Edwin nang basta na lang siyang sumulpot mula sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Kung saan-saan na lang sumusulpot ang lalaking ito.

"Ikaw ha, Rich. Dalawang araw ka lang nawala, sa bahay ni Jem ka na nakatira. Umamin kayo sa akin. Kayo na ba?" nanunudyong sabi ni Sir Edwin.

"H-ha?"

"Alam mo, Sir? Atribida ka masyado," nakangising sabi naman ni Jemimah.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang ito. Sa paraan ng tinginan nila, mukhang may isang bagay silang pinagkakasunduan at mukhang walang balak na sabihin sa akin.

"Sige, sige. Hindi na ako makikialam," natatawang sabi ni Sir Edwin na itinaas pa ang dalawang kamay.

"Aalis na kami. Magsasara na kayo," sabi naman ni Jemimah saka hinila ako habang tulak-tulak ang malaking cart paalis doon. Narinig ko pa ang malakas na halakhak ni Sir Edwin bago kami tuluyang nakalayo.

"Ano ba 'yon?" tanong ko kay Jem nang makapila na kami sa counter.

"Wala. Wag mo nang pansinin si  Sir. Maloko lang talaga siya," nakangiting sagot niya habang inilalagay sa counter ang mga  pinamili namin para ma-scan.

"Hay, ewan ko sa inyo. Ang gulo niyo," naiiling na sabi ko na lang na tinawanan naman niya.

* * *

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now