Chapter Twenty-one

6.8K 258 23
                                    

Jemimah

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Pilit kong minumulat ang mga mata ko kahit na parang napakabigat niyon. Naramdaman ko rin ang braso na nakayakap sa bewang ko. Napangiti ako nang maamoy ko ang pamilyar na bango ni Richiel.

Hindi niya ako iniwan.

Pagkatapos ng mga nangyari at narinig niya kagabi, heto pa rin siya sa tabi ko. Talagang pinatunayan niya sa akin na tanggap niya kung sino talaga ako sa kabila ng nakaraan ko. Na nandiyan lang siya para sa akin.

And she really proved how much she loves me.

Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw sa tabi ko at ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko. Gusto ko siyang pagmasdan pero ayaw makisama ng mata ko. Ilang beses ko pang pilit na imulat ang mata ko hanggang sa bahagya na iyong bumukas.

Damn! Baka namaga dahil sa walang tigil kong pag-iyak kagabi.

"Jem? Ayos ka lang?"

Sinilip ko si Richiel na bahagyang nakatingala sa akin. Nginitian ko lang siya saka hinalikan siya sa noo.

"Hindi ko lang maimulat ng maayos ang mata ko. But I'm okay."

"Umiyak ka ba naman ng umiyak kagabi. Kaya wag ka na magtaka kung bakit namaga 'yang mata mo."

Napatawa na lang ako saka niyakap siya ng mahigpit. "I love you."

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya kaya lalo akong napangiti.

"Mahal din kita."

And that's more like it.

* * *

"Kausapin mo ang nanay mo."

Natigil ako sa pagkain dahil sa sinabing iyon ni Richiel. Naguguluhang binalingan ko siya.

"Rich, hindi ganoon kadali ang—"

"Hindi ka makaka-move on kung wala kayong matinong closure ng nanay mo. At hindi sapat ang nangyari kagabi dahil wala naman kayong ibang ginawa kundi ang magsigawan. Ayusin mo muna ang gusot sa pagitan niyo ng nanay mo. Maniwala ka sa akin. Kailangan mo 'yan."

Lihim akong napalunok saka bumuntong-hininga. Seryoso talaga siya. At hindi ko na mababago ang desisyon niyang iyon.

"Nahihirapan pa rin kasi akong patawarin siya," bulong ko na sapat lang para marinig niya. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin at ang pagyakap niya sa balikat ko.

"Hindi kita pipilitin kung hindi mo siya mapapatawad agad-agad. Ang sa akin lang, pakinggan mo ang side niya. Hayaan mo siyang magpaliwanag kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon sa inyong magkapatid. Iyon lang ang kailangan mong gawin. Pagkatapos niyon, nasa sa iyo na kung handa ka nang patawarin siya o hindi. Gaya ng sabi ko sa 'yo noon. All you need to do is try. Walang mawawala sa 'yo kung susubukan mo."

Muli akong napabuntong-hininga saka hinawakan ang kamay niya.

May punto naman siya. Pero mahirap pa rin talaga para sa akin na makaharap siya. Ewan ko na lang kung ano ang magagawa ko kapag kaharap ko na uli siya.

* * *

Richiel

Mula dito sa sasakyan ay pinagmasdan ko si Jemimah na kausap ang nanay niya sa loob ng bistro. Napangiti ako. Pagkatapos ng mahabang pagpapaliwanagan, nakumbinsi ko rin siyang kausapin ang nanay niya. Isang linggo din na nag-urong-sulong si Jemimah kung makikipagkita ba siya sa nanay niya o hindi. Pero sa huli hindi din niya natiis ang kakulitan ko. Para sa kanya naman ang ginagawa kong pagkumbinsi sa kanya kaya hindi siya makaangal.

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now