Chapter Eight

9.1K 297 11
                                    

SPG Alert!

If you are below 18 y/o, better skip this part. Pero kung makulit ka at babasahin mo talaga, hindi na kita sagot kung madumihan man ang pag-iisip mo.

I. Warned. You.

– Jamie ^^✌

* * *

Jemimah

"Sigurado ka bang okay ka lang? Baka may masakit pa sa 'yo. Sabihin mo na—"

I kissed her lips to cut her off. Ang kulit. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na okay na ako at daplis lang ang natamo ko. Ang OA niya masyado.

Nandito kasi kami sa clinic ng SM dahil sa pakikipagpambuno ko sa snatcher na kumuha sa bag ni Richiel. Hindi ko agad nakita ang dala niyang patalim kaya hindi ako agad nakaiwas nang iniumang niya iyon sa akin. Laking pasalamat ko na lang at nadaplisan lang ako sa kaliwang braso. Hindi naman iyon malalim pero masakit pa rin. Pero sulit naman kasi nahuli at nakulong na ang hinayupak na snatcher na iyon. Naisauli na rin kay Richiel ang bag niya.

"Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa 'yo na okay na ako at wala na akong ibang nararamdamang sakit bukod sa daplis sa braso ko? Huwag ka ng mag-over react. Buhay pa ako," sabi ko naman sa kanya saka pinunasan ang nagkalat na lipstick sa labi niya.

"Kahit na! Nasaktan ka pa rin! Sabi ko naman kasi sa 'yo hayaan mo na 'yong snatcher. Nasugatan ka tuloy," nag-aalalang sermon niya sa akin. At parang ilang segundo na lang ay iiyak na siya.

"Rich naman," nasabi ko na lang saka niyakap siya. "Okay na ako. Promise! Kaya huwag ka nang malungkot," pang-aalo ko sa kanya.

"Huwag mo na uli iyong gawin, please? Ayokong may mangyaring masama sa 'yo," bulong niya.

Napahinga ako ng malalim saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Hindi ko maipapangako  iyan. Pero gagawin ko ang makakaya ko para hindi umabot sa ganito."

Hinampas niya ako sa kanan kong balikat. "Jem naman, eh!" maktol niya saka humiwalay sa akin. Napatawa na lang ako. Maya-maya pa ay pumasok na ang nurse na naglinis kanina sa sugat ko.

"Pakipirma na lang po nito at puwede na kayong makalabas," sabi niya sa akin saka iniabot ang clipboard kung nasaan ang pipirmahan ko. Pagkatapos pumirma sa weaver ay umalis na rin kami doon ni Richiel.

"Pasensya na hindi tayo nakapanuod ng movie," guilty na sabi ko sa kanya nang makasakay na kami sa sasakyan. Buwiset kasi na snatcher 'yon. Nasira tuloy ang date namin.

"Ayos lang. Mag-movie marathon na lang tayo sa bahay. Take-out na lang tayo ng makakain natin."

Napangiti ako sa suggestion niya. Bakit hindi? Solo namin ang bahay at walang istorbo sa panonood namin. Ayos 'yon!

* * *

Richiel

O...kay. Wala na sa movie ang atensyon ko. Paano ba naman kasi itong si Jemimah wala nang ibang ginawa kundi papakin ang leeg at batok ko. Baka may kung ano'ng pinainom ang nurse na iyon kay Jem kaya siya nagkakaganyan.

"Jem, kanina ka pa, ha. Tumigil na," saway ko sa kanya. Umeepekto na kasi ang ginagawa niyang panlalandi sa akin at kapag hindi pa siya tumigil baka bumigay na ako.

"I can't. You're too irresistible," bulong niya sa may tenga ko na nagpataas sa mga balahibo ko.

"J-Jemimah naman."

See You Again (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon