Chapter Thirteen

7.2K 227 7
                                    

Richiel

I'm sorry I can't pick you up tonight. Inaasikaso ko pa kasi ang kaso ng kliyente ko. Si Eunice na lang ang susundo sa 'yo. I'll be home late so don't wait for me. I love you. –Jem

Napangiti na lang ako pagkatapos basahin ang text ni Jemimah. Talagang nang-abala pa siya ng tao para lang may sumundo sa akin. Para namang hindi ko kayang umuwi ng mag-isa.

"Nangingiti ka ng mag-isa diyan? Si Jem ang nag-text ano?" asar sa akin ni Erin habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

"Wala," sabi ko na lang saka tinago na ang cell phone.

Naiintindihan ko naman kung minsan ay hindi kami nagkikita ni Jem. Hindi naman kasi biro ang klase ng trabaho niya. Minsan napakaaga niyang umaalis sa umaga at gabing-gabi na kung umuwi kaya hindi na kami nagpapang-abot. Pero kapag may libre siyang oras ay ibubuhos niya iyon sa akin. Kahit nakatambay lang siya sa Metro ay okay lang. Sobra siya kung mag-effort kaya sobra ko rin iyong pinahahalagahan.

"Hindi si Jem ang susundo sa 'yo, bes?" tanong sa akin ni Erin nang makita niya si Eunice na kinakawayan ako.

Tumango ako. "Medyo busy pa si Jem sa trabaho niya kaya pinakisuyuan niya ang kaibigan niya na sunduin ako," sagot ko.

"Ganern? Ang twit naman. Ikaw na bes!" sabi niya na tinapik pa ako sa braso. "Mauna na ako," paalam niya.

"Sige," natatawang sabi ko na lang sa kanya saka nilapitan si Eunice na prenteng nakasandal ss kotse niya. "Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa passenger's side.

"Hindi naman. Kararating ko lang," sagot niya pagkasakay niya sa driver's side.

"Pasensya ka na. Naabala ka pa tuloy," nahihiyang sabi ko sa kanya nang paandarin na niya ang sasakyan paalis doon.

"Wala 'yon. Wala din naman akong ginagawa," sagot niya saka nginitian ako. "Pagpasensyahan mo na ang ginawa ni Danica kanina. Nagugulo niya ang relasyon niyo ni Jem."

"Huwag niyo nang kaisipin 'yon. Hindi naman gan'on kakitid ang pag-iisip ko para hindi maintindihan ang nangyayari," paliwanag ko naman.

"Thanks."

"Pero matanong ko lang. Paano niyo naging kaibigan si Danica?"

"Kapatid siya ni Ariella sa father's side. Magkakaibigan na kami nina Jemimah at Ariella noong college tho mas matanda sa amin si Jem ng isang taon. Basta na lang sumulpot si Danica sa apartment namin noon sa San Pablo at sinabing kapatid niya si Ariella sa ama. Napatunayan naman iyon ni Elle kaya kasa-kasama na namin siya. Simula noon lagi na siyang nakabuntot sa amin. Lalo na kay Jem," kuwento niya.

"Gan'on pala," ang nasabi ko na lang. Iyon pala ang dahilan kung bakit sila laging magkasama.

"Huwag kang mahihiyang magtanong sa akin kung may gusto ka pang malaman."

Nginitian ko siya. "Tatandaan ko 'yan. Salamat." Magtatanong sana ako ng tungkol kay Jem pero sa susunod na lang.

"Nandito na tayo. Heto nga pala ang susi ng bahay."

Kunot ang noong kinuha ko iyon. "Bakit? May susi naman ako," nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pinapalitan ni Jem ang lahat ng lock sa bahay niyo. Nakuha kasi ni Danica ang duplicate ni Jem at nagpagawa siya ng kanya kaya siya nakapasok kanina."

"Gan'on pala. Nakakatakot naman pala siya." Kinabahan naman ako doon. Ibang klase din ang babaeng 'yon. Sobra na ang pagka-obsessed niya kay Jem.

"Wag ka nang mag-alala. Dinala na siya ni Ariella sa Manila para ipasok sa isang mental institution. Labag man sa kalooban namin pero kailangan. Wala na sa lugar ang pagka-obsess niya kay Jem at may tendency na makasakit siya ng ibang tao."

Bigla naman akong naawa kay Danica. Nagkagusto lang naman siya sa isang tao pero napasobra naman. Hindi niya deserve ang ganoong klaseng treatment.

"Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na."

Tumango naman ako. "Salamat," sabi ko naman saka bumaba na ng kotse. Hinintay pa niyang makapasok ako sa loob ng bahay bago siya umalis.

Nangingiti na lang ako. Ang suwerte ni Jemimah sa mga kaibigan niya.

Umakyat na muna ako sa kuwarto para magbihis ng damit na pambahay saka bumaba papunta sa kusina para maghanda ng makakain. Pagbukas ko ng ref ay agad na bumungad sa akin ang isang Tupperware na may sticky note  na nakadikit sa takip. Kinuha ko iyon at binasa.

I made this lasagna just for you kaya  ubusin  mo  ha? Initin  mo   na  lang sa microwave. Dapat ubos 'yan pag-uwi ko. I love you! –Jem

Napangiti na lang ako saka umiling-iling. Ang dami niyang niluto niya kaya paano ko ito mauubos?

Hay nako, Jemimah Contreras. You never fail to amaze me.

* * *

Jemimah

Nakakapagod naman ang araw na ito. Pakiramdam ko kasi kasali ako sa isang wrestling match dahil sa sakit ng paa at likod ko. Nakakainis lang kasi ang nangyaring gulo kanina sa MTC (Municipal Trial Court). Kaya imbes na matapos na ang hearing ngayong araw ay na-move pa iyon sa susunod na linggo. Halatang pinatatagal lang ng kampo ng suspek ang hearing para hindi pa siya mailipat sa Manila pagkatapos hatulan. Kailan ba nila balak itigil ang larong ito? Wala na silang lusot dahil napakatibay ng ebidensyang hawak namin laban sa kanila. Idagdag pa ang ilang testigo. Inaaksaya lang nila ang oras namin sa totoo lang.

Nahilot ko na lang ang sentido ko. Inaatake na naman ako ng migraine.

"Jemimah?"

Bigla akong napalingon sa hagdan pagkarinig sa boses ni Richiel. Tinignan ko ang oras sa suot na wristwatch. Alas-dose na ng hatinggabi.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya saka hinapit siya sa bewang papalapit sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.

"Narinig ko kasi ang ugong ng sasakyan mo kaya bumaba ako para salubungin ka," sagot niya saka sumiksik sa leeg ko.

Napangiti naman ako kaya kinabig ko pa siya lalo hanggang sa nakaupo na siya sa kandungan ko. Ako naman ngayon ang sumiksik sa leeg niya. Ang bango.

"Kumain ka na ba? Iinitin ko ang tirang lasagna kung gusto mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabi ko naman sa 'yo ubusin mo, di ba?"

"Ang dami kaya n'on. Hindi ko kayang ubusin iyon ng mag-isa," reklamo naman niya saka ngumuso. Ang cute lang.

Natawa na lang ako saka hinalikan siya sa labi. "Kumain na ako. Nag-take out na lang ako saka kinain iyon habang nagda-drive—Aray!" Grabe siya. Pitikin ba naman ako sa noo? "Bakit?"

"Sira ulo ka rin, ano? Paano kung naaksidente ka?" nakataas ang kilay na sermon niya sa akin.

"Sorna. Gutom na kasi ako kaya kinain ko na habang nasa daan. Tsaka nag-ingat naman ako sa pagda-drive. Tignan mo, oh. Buo pa ako," paliwanag ko naman.

"Hmp! Sige, palalampasin ko ang nangyari ngayon. Pero sa susunod na abutin ka ng gutom sa daan tumigil ka muna sa isang tabi para makakain ka ng maayos. Paano na lang kung nabulunan ka habang nagda-drive? Eh di, naaksidente ka pa?"

"Opo. Wag ka nang magalit, please? Hindi na po mauulit," lambing ko sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit.

"Nag-aalala lang ako para sa 'yo."

Napangiti ako. "Alam ko. Hindi ko na uulitin para hindi ka na mag-alala."

"Mabuti."

Napatawa na lang ako ng mahina. Richiel is the most amazing girl I've ever met. I'll never regret the day she entered my life. And I'm thankful for having her.

* * *

Awtsuu!! Parang gusto ko nang sarilihin si Richiel, ha-ha!

Jamie ^^

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now