Chapter Seventeen

6.2K 211 0
                                    

Richiel

"Bunso, kakain na."

Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Kuya Raymond. Pambabastos man kung tawagin pero ano ba ang dapat kong gawin? Kesa naman sagutin ko sila na labas naman sa ilong. Mas nakakabastos naman iyon kaya mas pinili kong manahimik na lang.

Hindi nila ako masisisi. Una, puwersahan nila akong pinag-resign sa trabaho. At pangalawa, hindi na nila ako pinayagang makipagkita kay Jemimah.

Nakakainis lang kasi parang wala silang pakialam kahit nakikita na nila akong nasasaktan. Na para bang wala lang sa kanila ang sakit na nararamdaman ko.

"Nandito nga pala si Ruben," narinig ko pang sabi ni kuya. Napalingon ako sa pinto nang lumabas siya at pumasok naman si Ruben.

"Hi, Richiel!" masiglang bati niya sa akin na sinabayan pa niya ng kaway.

Tumango lang ako saka napatingin sa hawak niya. Isang basket na puno ng prutas.

Kababata ko si Ruben at minsan na ring nanligaw sa akin. Pero dahil may gusto na ako noon kay Jemimah, binasted ko agad siya.

"Bakit naparito ka?" tanong ko sa kanya nang balingan ko uli ang binabasa.

"Manliligaw uli."

Nilingon ko siya saka tinignan ng masama. "Tigilan mo ako, Ruben. Wala ako sa mood para makipaglokohan sa'yo."

Itinaas naman niya ang dalawang kamay saka tumawa. "Joke lang. Ikaw naman, hindi na mabiro," nakangiting sabi niya saka umupo sa paanan ng kama ko.

"Eh, bakit ka nga nandito?" tanong ko uli sa kanya.

"Best friend duties," nakangiting sagot niya saka tinapik ang basket. "May isang tao kasi na nangangailangan ng tulong kaya tumulong ako."

Kumunot naman ang noo ko. "Ano?" Ang gulo niyang kausap.

"Basta! Maiwan na kita. May date pa ako," nakangising sabi pa niya saka kinindatan ako.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Talaga lang, ha? Sino ang malas na babae?" asar ko naman sa kanya.

"Grabe ka naman. Hindi naman ako ganun kapangit," ungot niya habang sinusuklay ang buhok gamit ang daliri niya. "Guwapo kaya ako."

Doon na ako bumunghalit ng tawa. Ibang klase din siya kung magbuhat ng sariling bangko.

"Talaga? Guwapo ka?"

"Oo kaya!"

"Saan banda?"

Tinignan naman niya ako ng masama kaya lalo akong natawa. Guwapo naman talaga siya. 'Yong tipong pang tall, dark, and handsome. Trip ko lang talaga siyang asarin lalo na kapag may natitipuhan siyang chicks.

"Ang sama mo talaga sa akin, Rich. Kaibigan ba talaga kita, ha?"

Ngumisi lang ako saka nag-peace sign. Na-miss ko ang pakikipagbiruan sa kanya ng ganito.

"Pero ayos lang. At least napatawa kita. Ang pangit mo kasi pag lagi kang tahimik at seryoso. Sige ka. Baka hindi ka niya balikan kasi mukha ka ng manang. Turn off 'yun, dude."

Malakas na hinampas ko siya ng unan. Ang hudas! Marunong nang rumesbak!

"Buwisit ka," ungos ko na tinawanan naman niya.

"Diyan ka na nga. Smile na, ha? Papangit ka pag lagi kang nakasimangot. Ikaw din."

"Oo na! Lumayas ka na nga! Imbiyerna ito!"

Napailing na lang ako nang tuluyan na siyang nakalabas ng kuwarto ko. Napaisip ako sa sinabi niya. May isang linggo na  pala akong tahimik at hindi kinikibo ang pamilya ko. Hindi naman nila ako masisisi sa bagay na 'yon.

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now